Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ex-Speaker Romualdez nag-plead ng ‘not guilty’ sa plunder case

Nagplead ng “not guilty” si dating House Speaker Martin Romualdez sa kasong plunder na kinakaharap niya kaugnay ng umano’y P7.44 bilyong kickback scheme sa mga flood control project ng gobyerno.

Sa arraignment nitong Miyerkules, September 16, humarap si Romualdez sa Sandiganbayan sa pamamagitan ng videoconferencing mula sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) sa Manila.

Ibinasura naman ng anti-graft court ang kahilingan ng depensa na ipagpaliban ang paglipat kay Romualdez mula UP-PGH patungong Quezon City Jail o, bilang alternatibo, ilipat siya sa isang government hospital sa Quezon City.

Naunang iniutos ng Sandiganbayan noong September 7 ang pag-aresto kay Romualdez kasama si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at dalawa pang akusado.

Inakusahan sila ng pagkakasangkot sa umano’y scheme para sa P7.44 bilyong kickbacks mula sa mga partidong sangkot sa government flood control projects.

Si Co ay nananatiling fugitive.

Samantala, sinabi ng kampo ni Romualdez na plano nitong humiling ng bail para sa pansamantalang paglaya ng dating Speaker habang dinidinig ang kaso.

Nakabinbin din sa Sandiganbayan ang usapin tungkol sa preventive suspension ni Romualdez mula sa public office. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles