Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

ITCZ magpapaulan sa VisMin; bagyo sa labas ng PAR binabantayan

Payong at ibayong pag-iingat ang kailangan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa mga pag-ulan at thunderstorms na dala ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa 24-hour public weather forecast na inilabas alas-4 ng hapon nitong Martes, September 15, sinabi ng Pagasa na apektado ng ITCZ ang Visayas at Mindanao.

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may scattered rains at thunderstorms ang Negros Island Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Masbate, Lanao del Sur at Davao Oriental.

Nagbabala ang Pagasa sa posibleng flash floods o landslides dahil sa moderate hanggang paminsan-minsang heavy rains.

Sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao, partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms ang inaasahan. Posible rin ang flash floods at landslides sa panahon ng severe thunderstorms.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon din ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms, ngunit localized thunderstorms naman ang dahilan.

Samantala, isa nang tropical depression ang weather disturbance na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Dakong alas-3 ng hapon, namataan ito 2,785 kilometro silangan ng Southeastern Luzon. Taglay nito ang maximum sustained winds na 55 kilometers per hour malapit sa sentro at gustiness na hanggang 70 kph.

Kumikilos ang tropical depression pahilaga sa bilis na 20 kph.

Light to moderate naman ang hangin sa buong bansa, habang slight to moderate naman ang coastal waters. Sa Mindanao, maaaring umabot sa 2.5 metro ang taas ng alon, habang hanggang 2.1 metro naman sa Visayas, Palawan at nalalabing bahagi ng Luzon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles