“HINDI YAN TOTOO!,” ang tila may halong galit na ganting sagot ni Diane Abby Tupaz, asawa ng kilalang dating child wonder ng showbiz na si Nino Muhlach.
Sa kanyang FB account ay hindi na nga napigilan ng asawa ni Nino na sumagot sa nag-viral na FB post ni NIcolas Villanueva na inirereklamo at sinusumbatan ang aktor dahil umano sa hindi nito pagtupad sa mga ipinangakong tulong.
Si Villanueva ang isa sa mga biktima ng magkaroon ng vehicular accident na si Muhlach ang may gawa last August sa isang lugar sa Marcos Highway sa Antipolo, Rizal.

Noon ngaý inamin at inako ni Muhlach ang kanyang nagawang ‘krimen’ kung saan kinastigo din siya ng LTO at binigyan g kaukulang parusa.
Nangako din ang aktor na sasagutin niya ang lahat ng gastos at pagpapa-ospital sa mga nabiktima ng kanyang pagkakamali sa pagmamaneho.
“Sir NIÑO MUHLACH pangatlong linggo na po. Parang binabalewala na po ninyo ‘yung nangyari sa ‘kin. Ang galing galing niyong mangako pag may camera. Wala pala kayung isang salita sa mga sinasabi niyo. Di pa ako nakakapag trabaho dahil sa nangyari sakin pati motor ko di niyo pa rin pinapalitan,” ang bahagi ng FB post ni Villanueva na sinagot nga ng asawa ni Muhlach.
“I know hindi na dapat ako mag react but I can’t. I really can’t!! Hindi ko kaya na hindi ko maidedefend yung Husband ko (Niño Muhlach) or mga anak ko Lalo na sa mga taong ‘Mema’ memasabi lang sa comment section o mga feeling may alam sa totoong nangyayari. “
Dagdag pa ni Abby, “pati anak ko dinadamay pa sa mga walang kwentang comment nila!. My husband is a good man! I’m saying this not because I’m his wife, but because he really is that kind of person na kailanman hinding hindi ginustong makasakit o maka agrabyado o maka perwisyo ng ibang tao.”
Sinabi pa nitong alam ng asawa niya ang responsibilidad nito sa mga taong naperwisyo at never itong tatalikuran ng aktor.
Pahayag pa ni Abby, “sa taong nahospital na si Nicolas Villanueva, araw araw sinisiguro ni Niño na natututukan ng mga doctor si Nicolas and naibibigay sa kanya lahat ng gamot na kailangan nya. Sinigurado din ni Niño na nabibigay yung araw araw na pangangailangan ni Nicolas Villanueva and ng family nya habang nasa hospital sila. Cash pang food, mini grocery, travel expenses, and pati pang baon na money sa school ng daughter ni Nicolas. And yung sa ‘motor’ huwag ho kayong mag alala kasi siguradong mabibigyan yan ng kapalit, hindi naman tatakas si Niño ng dahil lang sa motor.”
“Kung magpopost tayo ng hindi totoo at hindi maganda tungkol sa isang tao pag isipan muna natin maigi kung deserve nya ba na masira sya sa ibang tao?,” parte pa ng post ni Abby.
Samantala sa napag-alaman din ng BISTADO, regular pa pala ang check-up na ginagawa ng ini-assign na doktor kay Villanueva ng LTO at sinasagot itong lahat ng aktor.
Kahit daw ang mga nasirang gamit sa tindahan na nabunggo sa aksidente ay ipinaayos na din pala ni Muhlach.


