Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Market! Market! mananatili sa BGC, sasailalim sa P1-B upgrade

Mananatili sa Bonifacio Global City (BGC) nang mahigit isang dekada pa ang Market! Market! matapos makakuha ng 12-year lease extension at P1 bilyong modernization program.

Pininal ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Ayala Land-led Station Square East Commercial Corp. (SSECC) ang 12 taon at pitong buwang lease extension na magsisimula sa June 5, 2027.

Kasabay nito, maglalaan ang SSECC ng P1 bilyon para i-modernize ang Market! Market! at ihanda ang complex sa integration sa mass transit infrastructure.

“We are committed to reinventing and modernizing Market! Market! for its next act,” ani Ayala Land President at CEO Anna Ma. Margarita “Meean” Dy.

Inaasahang mas lalaki pa ang papel ng mall bilang convergence point ng retail, rail, road transport at offices dahil sa planong Bonifacio Global City Station ng Metro Manila Subway na iuugnay sa property.

Ayon sa BCDA, makatutulong ang lease extension upang mapahaba ang commercial life ng isa sa mga established retail assets sa BGC habang pinapalaki rin ang economic at social value ng government-owned properties.

Unang binuo ang konsepto ng Market! Market! sa ilalim ng Ayala Land “Convergence Square” master plan noong 2000, na naglalayong pagsamahin ang retail, public transport at civic space.

Mahigit dalawang dekada matapos nito, inaasahang mas magiging mahalagang bahagi ng BGC transport network ang property sa oras na maisakatuparan ang subway connection at transit-oriented development strategy ng BCDA.

Sa redevelopment, target na palakasin pa ang Market! Market! bilang koneksyon ng rail, road transport, commerce at workplaces habang patuloy na lumalawak ang BGC. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles