Tumaas na sa “high” ang tsansang maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras ang Low Pressure Area (LPA) na mino-monitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Noong Sabado, September 13, nasa “medium” pa ang posibilidad na maging tropical depression ang LPA 09d. Pagsapit ng alas-8 ng umaga ngayong Lunes, September 14, itinaas na ng Pagasa sa “high” ang development potential nito.
Nauna nang mino-monitor ang weather disturbance sa silangan ng PAR habang patuloy na sinusuri kung lalakas ito bilang tropical cyclone.
Sa weekly weather outlook ng Pagasa, isang posibleng LPA at ang associated na trough nito ang maaaring magdala ng cloudy skies na may scattered rains at thunderstorms sa Bicol Region, Northern Samar, at Quezon ngayong September 14 hanggang 15.
Samantala, partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms ang inaasahan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko na bantayan ang mga susunod na weather update ng Pagasa habang mino-monitor ang development at galaw ng LPA. /Bistado


