Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ridon kay VP Sara: Attend ka ng trial para makita mo ebidensya 

Hinamon ni House prosecutor at Bicol Saro Rep. Terry Ridon si Vice President Sara Duterte na dumalo sa kanyang Senate impeachment trial sa Lunes, September 14, upang personal na makita ang ebidensyang ilalatag ng prosekusyon sa alegasyon ng unexplained wealth.

“This is a challenge to the Vice President: Magpakita po kayo sa Lunes, magsisimula na ho ang paglalahad ng hindi maipaliwanang na yaman ng inyo pong pamilya,” ani Ridon sa Saturday News Forum sa Quezon City.

Ayon sa House prosecutor, mahalagang dumalo ang Bise Presidente. Tinukoy niya ang pagharap ni Duterte sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng grave threats case bilang dahilan kung bakit wala umano itong rason na hindi humarap sa impeachment court.

“Very important po na magpakita po kayo doon. Kung nagpakita po kayo sa grave threats proceeding sa Quezon City RTC…wala hong dahilan para hindi magpakita sa darating na Lunes,” sabi niya.

“At sa darating pong Lunes ay sisimulan na po namin ang paglalahad ng ebidensiya dito po sa usapin ng hindi maipaliwanang na yaman ng atin pong Pangalawang Pangulo at ng kanya pong asawa,” dagdag ni Ridon.

Sina Ridon at Akbayan Rep. Jose Manuel “Chel” Diokno ang mga prosecutor na nakatalaga sa pagpapakita ng ebidensya sa Article II ng impeachment case.

Ayon kay Ridon, hawak na ng prosecution team ang humigit-kumulang 1,800 bank at financial documents kaugnay ng accounts at iba pang transactions ni Duterte at ng asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Hindi pa umano natatapos ng prosecution at defense teams ang pagmamarka sa mga dokumento nitong Huwebes at Biyernes.

“Actually, di pa nga tapos yung marking namin sa dami ng financial and bank documents na isinumite ng mga banko at iba pang financial institutions,” ani Ridon.

Nang tanungin kung Article II ang pinakamatinding alegasyon laban kay Duterte, sinabi ni Ridon na isa ito sa mahahalagang impeachment articles.

“Isa po ito sa mga mahalagang articles na hinaharap po ng prosecution sa impeachment court. Nakahanda po kaming kumpletuhin yung mga ebidensiya patungkol po dito,” sabi niya.

Kabilang sa witness list ang mga kinatawan mula sa Office of the Ombudsman, Bureau of Internal Revenue (BIR), Securities and Exchange Commission (SEC) at Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO).

Ayon kay Ridon, tatalakayin ng mga unang ahensya ang tax records ng mag-asawang Duterte-Carpio at mga kumpanyang nakarehistro sa kanilang mga pangalan, habang inaasahang tatalakayin ng PNP-FEO ang mga baril na pag-aari nila, kung mayroon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles