Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kampo ni Sen. Legarda: Plunder, graft allegations ‘classic lawfare’

Tinawag na “classic lawfare” ng kampo ni Sen. Loren Legarda ang mga alegasyon ng plunder at graft na iniimbestigahan laban sa kanya at sa anak niyang si Batangas Rep. Leandro Leviste kaugnay ng mga solar energy project.

Sa Facebook post nitong Biyernes, September 11, iginiit ni Atty. Antonio Gabriel La Viña, spokesperson at bahagi ng legal team ni Legarda, na political persecution ang mga kaso at wala pang formal charge na naihahain sa korte.

Nagsumite na rin umano ng kanilang counter-affidavits sa Office of the Ombudsman ang mag-ina. Ayon kay La Viña, naghain si Legarda noong Miyerkules at si Leviste naman nitong Huwebes.

“After intensive review, I am convinced that she and her son have absolutely not done anything illegal and even improper with respect to the solar energy business,” ani La Viña.

Nagsasagawa ang Ombudsman ng preliminary investigation sa mga kasong plunder at graft laban kina Legarda at Leviste kaugnay ng mga solar project na naka-link sa mga kumpanyang itinatag ni Leviste.

Iginiit ni La Viña na dapat timbangin ang mga alegasyon batay sa ebidensya at due process, at hindi sa mga public pronouncement na aniya’y maaaring magbigay ng impresyon ng pagkakasala bago matapos ang preliminary investigation.

Binigyang-diin din niya ang pagkakaiba ng Solar Para sa Bayan Corp. (SPBC) sa iba pang Solar Philippines entities, gayundin ng congressional franchise sa renewable energy service contracts. Ayon sa abogado, hindi awtomatikong nangangahulugan ang mga ito ng paglalabas ng government funds.

Iginiit din niyang si Legarda “does not own, run, or take part” sa SPBC o anumang Solar Philippines company at hindi umano nakalista bilang shareholder, officer o beneficiary.

“Responsibility is personal,” ani La Viña. “Motherhood should not become evidence against her.”

Ayon pa sa abogado, non-exclusive ang franchise ng SPBC at hindi umano bumoto si Legarda para sa pagpasa nito. Aniya, hiwalay ang usapin ng compliance ng isang kumpanya sa pagpapatunay na personal na nakialam, nakinabang o gumawa ng ilegal na hakbang ang senador.

Binalaan din ni La Viña na maaaring makaapekto sa investment sa renewable energy sector kung ituturing na basehan ng plunder ang mga renewable energy service contract na hindi pa nade-develop.

Iniugnay din niya ang pinaigting na scrutiny kay Leviste sa anti-corruption campaign ng kongresista na nagsimula noong huling bahagi ng 2025, at sinabing nagbubukas ng tanong tungkol sa posibleng retaliation ang timing nito.

“Lawfare — weaponization of the law for political ends and gain — is always wrong,” ani La Viña. “It must stop now.” /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles