Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bagyo, Habagat nag-iwan ng P15.5-B pinsala sa agrikultura, imprastraktura

Umabot na sa P15.5 bilyon ang pinagsamang pinsala sa agrikultura at imprastraktura dahil sa serye ng mga tropical cyclone at southwest monsoon o Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, September 11.

Tinatayang P4.37 bilyon ang agricultural damage na naitala sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.

Aabot sa 98,836 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan, habang nasa 81,305.09 ektarya ang kabuuang lawak ng mga pananim na tinamaan.

Sa naturang agricultural areas, 57,379.59 ektarya ang maaari pang makarekober habang 23,926.31 ektarya ang tinatayang hindi na mababawi.

Mas malaki naman ang pinsala sa imprastraktura na umabot sa halos P11.14 bilyon.

Naitala ang infrastructure damage sa Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.

Samantala, nananatili sa 44 ang naiulat na nasawi dahil sa masamang panahon. Nasa 18 katao ang nasugatan habang lima pa ang nawawala.

Umabot naman sa 604 bahay ang tuluyang nawasak, habang tinatayang 3,768 iba pang bahay ang napinsala. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles