Fully recycled plastic na ang gagamitin ng Maya sa lahat ng bago nitong wallet cards matapos makumpleto nang mas maaga sa target ang paglipat nito mula sa virgin plastic.
Kasabay nito, inilunsad ng Maya ang “Bukad Card,” isang special-edition Visa card na dinisenyo kasama ang Filipino artist na si Raxenne Maniquiz at hango sa kalikasan ng Pilipinas.
Nagsimulang gumamit ang Maya ng recycled polyvinyl chloride (rPVC) noong June 2026. Lahat ng bagong gawang Maya Mastercard at Visa cards ay gumagamit na ngayon ng 100 porsiyentong recycled plastic, mas maaga sa orihinal na year-end target.
May markang “Made from 100% Recycled Plastic” sa likod ng mga bagong card, habang nananatili umano ang parehong security, durability at functionality.
“Sustainability must be built into daily operations,” ani Maya Group President Shailesh Baidwan.
“This makes responsible sourcing standard for products customers use every day,” dagdag niya.
Samantala, ang bagong Bukad Card ay ipinangalan sa salitang Filipino na “bukadkad” o blooming flower. Tampok sa disenyo ni Maniquiz ang makukulay na ilustrasyon ng lokal na kalikasan.
Pwede itong gamitin para sa purchases at ATM transactions sa ibang bansa.
Nagkakahalaga ng P350 ang Bukad Card at available na sa Cards tab ng Maya app simula Miyerkules, September 9.
May libre ring limited-edition matching scarf para sa mga kukuha ng card sa PURVEYR Fair sa World Trade Center sa September 12 hanggang 13.
Bahagi ang paggamit ng recycled plastic sa mas malawak na sustainability program ng Maya, kabilang ang mga hakbang nito sa pagbabawas ng emissions mula 2022 at ang #MayaSWITCH workplace program para mabawasan ang paggamit ng enerhiya at plastic. /Bistado


