Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Yeng Constantino, nagsisi sa pagharana kay Ryan Bang

Dahil sa pag-viral ng pagiging emosyonal ni Ryan Bang sa programang It’s Showtime kaugnay ng naging pagharana sa kanya ni pop rockstar Yeng Constantino sa concert nitong “Biyaheng Bente,” nagpahayag ng pagsisisi si Yeng.

Ayon sa rock artist/composer, parang nagsisisi siya sa kanyang ginawang pagharana sa host ng noontime show dahil hindi lang nanumbalik dito ang tila pagsisisi sa sarili kung bakit hindi nito nagawang ipaglaban ang panunuyo noon sa singer.

“Parang nakapagsisisi yung nangyari dahil parang bumalik yung hindi niya pagkakaroon ng tiwala at pag-look down niya sa sarili,” pahayag ni Yeng sa programang Fast Talk ni kuya Boy Abunda.

Ayon pa kay Yeng, ““Masakit. Kasi ako, parang nagbibiro ako. Playful ako masyado na hindi ako nakapag-isip nang maayos to consider his feelings.”

Yeng as Coach sa The Voice Kids soon to air sa GMA7… mula sa Kapuso PR Team

Minessage daw niya si Ryan after nyang mabalitaan ang tila pagbuhos nito ng emosyon sa noontime show.  

“Grabe talaga ang sorry ko sa kanya. Ang haba ng mga nobelang messages namin, sabi ko, ‘Ryan, patawarin mo ako. Sorry talaga. Hindi ko alam na ganito. And he was really vulnerable. When I messaged him, I really apologized for triggering some memories or moments in life namin. I wasn’t very mindful also,” dagdag pa ni Yeng.

Nag-wish din si Yeng na sana ay maging masaya na ang puso ni Ryan, “Naku, makakahanap at makakahanap din si Ryan. Hindi deserve ni Ryan na kuwestiyunin niya ang kanyang worth dahil nakilala ko po siya at many years naman po kaming naging magkasama. Sa pagkakakilala ko po kay Ryan, talagang napakabait po na tao. What a good man,” paliwanag pa ni Yeng.

Klinaro din ni Yeng na bilang may asawa na siya ngayon ay hindi naman daw naging isyu ang pagbabalik tanaw ng naudlot nilang “relasyon” ni Ryan dahil ang asawa niyang si Victor ‘Yan’ Asuncion ay lubos na nauunawaan ang  pinagdaanan ng aktor-host.

“Walang isyu. Sobra niyang naiintindihan ang pangyayari dahil gaya ni Ryan ay nagkaroon din siya ng pakiramdam na baka dedmahin ko siya dahil sa estado pero hayun, naging matapang siya, nagpatuloy sa panliligaw hanggang sa makita ko ang worth niya at eto nga, mag-11 years na kami as husband and wife,” pagmamalaki pa ni Yeng.

Very soon ay mapapanood si Yeng bilang isa sa mga coaches ng The Voice Kids sa GMA7.

Aniya, matagal na niyang pinapangarap ang mapabilang sa talent search dahil siya man din ay galing sa kaparehong talent search at utang na loob daw niya sa mga nakakita ng kanyang talent sa pagsusulat ng kanta at pagiging isang matagumpay na singer niya sa ngayon.  

Samantala, makakasama rin ni Yeng bilang first time coach sa pagbabalik ng “The Voice Kids”  sa GMA 7 ang isa pang OPM icon na si Gloc-9 with of course, the Limitless Star Julie Anne San Jose.

Ang Kapuso Primetime King pa rin na si Dingdong Dantes ang magsisilbing host ng show kasama si Gabbi Garcia as the Journey Host.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles