Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Computer experts: SIM card registration, palya vs cybercrimes, scams

Palpak umano ang SIM card registration sa pagpigil sa cybercrimes at scams sa bansa, ayon sa Computer Professionals’ Union (CPU), kasunod ng pagkilala ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na patuloy na ginagamit ang mga rehistradong SIM card sa iba’t ibang online na krimen.

Giit ng CPU, pinatutunayan lamang ng naging posisyon ng PNP-ACG ang matagal nang babala ng grupo na hindi kayang solusyunan ng mandatory SIM registration ang mga ugat ng cybercrime at scams.

“It did not work, and has only made technology more inaccessible to everyday Filipinos,” pahayag ng CPU noong September 5.

Ayon sa grupo, inabot umano ng apat na taon bago kinilala ng PNP ang problemang nararanasan na ng mga Pilipino mula nang gawing mandatory ang SIM registration.

Binanggit umano ng PNP-ACG na marami sa mga bagong kaso ng cybercrime, online selling scams at illegal gambling operations ay gumagamit pa rin ng mga rehistradong SIM card.

“This is a fact that the Computer Professionals’ Union has been warning both the Marcos Jr. and Duterte administrations since even before the law was passed: SIM Registration does not fundamentally solve the root causes of cybercrime and scams in the Philippines, and was always doomed to be ineffective,” giit ng CPU.

Binatikos din ng grupo ang panukala ni PNP-ACG director Maj. Gen. Asueta na gawing tanging paraan ng verification ang National ID na may biometrics sa pagpaparehistro ng SIM card.

Para sa CPU, hindi nito sinosolusyunan ang pangunahing problema sa SIM registration at sa halip ay magpapalawak pa sa personal na impormasyong kailangang ibigay ng publiko.

“They don’t want to stop at giving telco companies our personal information or pictures of our face: now they want to give them our biometrics information as well,” pahayag nito.

Binalaan din ng CPU na hindi lahat ng Pilipino ay may madaling access sa physical o digital na kopya ng National ID.

Ayon sa grupo, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakapaghatid pa lamang ito ng physical IDs na katumbas ng humigit-kumulang kalahati ng populasyon ilang buwan na ang nakalipas.

Dahil dito, nangangamba ang CPU na posibleng mawalan o mahirapang magkaroon ng access sa digital technology ang milyon-milyong Pilipino kung National ID ang gagawing tanging paraan ng SIM verification.

Nanawagan ang CPU na sa halip na higpitan pa ang SIM registration, dapat magpatupad ang pamahalaan ng mga solusyong direktang tumutugon sa mga ugat ng cybercrime at scams.

“Filipinos should clamor against this policy move, and start demanding real solutions that can target the true root causes of cybercrime and scams,” giit ng grupo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles