Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

QC, Meralco paiigtingin ang baklasan ng dangling wires, electrification

Paiigtingin ng Quezon City Government at Meralco ang pagtanggal ng mga nakalaylay na kable at pagpapalawak ng electrification sa mga komunidad sa ilalim ng pinalakas na partnership ng dalawang panig.

Pormal na nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte at Meralco Home and Micro Business Group-North Area Head Alleni Pascual ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa mas ligtas at maayos na electrical facilities sa lungsod.

Kabilang sa pangunahing tututukan ang anti-dangling wires operations at pagpapalawak ng electrification upang mapahusay ang serbisyo sa mga komunidad.

Sakop din ng kasunduan ang pagpapalakas ng disaster preparedness at pagpapaunlad ng facilities at iba pang infrastructure na kailangan para sa mas maayos na service delivery.

Target ng partnership na mabawasan ang panganib mula sa nakalaylay na mga kable, mapahusay ang mga pasilidad sa kuryente, at mapalakas ang kahandaan ng Quezon City sa mga kalamidad at iba pang emergencies. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles