Kinagiliwan ng mga showbiz insiders ang naging speech ni Lea Salonga nang pormal ng pasinayaan ang kanyang ‘star’ sa Hollywood Walk of Fame nitong Sept. 4, (Sept. 5 Manila time) sa pamosong Hollywood Boulevard sa Los Angeles, California, USA.
Sa panimulang bahagi ng pasasalamat ni Lea, sinabi nitong sa Manila nagsimula ang lahat.
“Long before Hollywood, long before Broadway, there was Manila. If you had told seven-year-old Lea Salonga making her stage debut in a production of The King and I in the Philippines, that nearly 50 years later, she would be standing on Hollywood Boulevard, in front of this iconic theater, surrounded by so many wonderful friends, family, and colleagues, receiving a star on the Walk of Fame, she would have said, ‘Ha? What’s that?’”

PInasalamatan niya ang lahat ng naging bahagi ng kanyang bonggang karera sa international map partikular na ang kanyang ina (Ligaya Salonga) na inilarawan niyang “the best mom at manager” na kung wala daw ito ay wala ding Lea Salonga.
Binanggit din niya ang kanyang kapatid na si Gerard na inilarawan naman niya bilang “the best musician, arranger, at kauna-unahan niyang naka-duet.”
Ang kanyang ‘transman’ na anak na si Nic Chien ay kanya ding pinapurihan at binigyan ng payo tungkol sa industriyang gaya niya ay tinatahak na din nito sa ngayon.
Ang lahat ng mga naging mentors niya at katrabaho sa likod at harap ng mga kamera, ng TV, stage at iba pa ay binanggit din ng iconic star sa paraang generic gaya ng mga direktor, writer, musicians, composers. lyricists, producers, co actors, advertisers, at higit sa lahat ang mga supporters at fans.
Si Salonga ang kauna-unahang pinay na nabigyan ng nabanggit na honors at siya din ang ika- 2,855th celebrity na nakatanggap ng naturang “Walk of Fame Star.”
Ang The Hollywood Chamber of Commerce ang grupong namahala sa naturang okasyon at nag-welcome kay Salonga.
Ayon sa kanilang kalatas, napili nila ang international star dahil “Lea Salonga is a true trailblazer whose extraordinary talent and decades-long career have inspired audiences around the world. We are thrilled to honor her with a star on the Hollywood Walk of Fame, and especially proud that she will be the first Filipina to receive this iconic recognition.”
Bahagi din ng mensahe ni Salonga ang paghiling nitong sana daw sa mga susunod na panahon ay mayroon ding gaya niyang isang pinay na makikita din ang name sa pamosong daanan na ‘proudly’ tinatapakan ng mga tao dahil sa inspirasyon at legacy na hatid nito.
Kaya sa huli ay winika nitong, “welcome and feel free to step on my name.”


