Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PVL Invitational: PLDT buhay pa; EST Cola binigo ang Creamline 

Hinigpitan muli ng PLDT ang kumakalas nitong kapit sa korona ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational matapos lusutan ang Farm Fresh, 25-16, 25-22, 23-25, 25-20, nitong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ang mahalagang panalo ay nagtabla sa kartada ng High Speed Hitters sa 2-2 habang papalapit sa pagtatapos ng single-round eliminations sa Linggo.

Tuluyan naman nawalan ng tsansa ang Farm Fresh sa karera matapos bumagsak sa 1-3, kasunod ng ikatlong sunod na pagkatalo mula ng manaig sa Ho Chi Minh ng Vietnam (25-14, 25-15, 26-28, 25-20) noong Lunes.

Tumabla sa liderato (3-1) ang EST Cola ng Thailand matapos patikimin ng unang talo ang Creamline, 17-25, 25-21, 25-22, 27-25. Best Player of the Game si Papatchaya Phontham na gumawa ng 27 puntos at 12 excellent digs. 

Tumabla rin ang Nxled sa 2-2 nang sibakin din ang Ho Chi Minh City, 25-20, 31-33, 25-17, 25-22.

Pinangunahan ang PLDT ni Savi Davison na nagpakawala ng 32 puntos, kabilang ang apat na kill blocks. Tinapos niya ang laban sa pamamagitan ng isang matinding kill sa kanyang ikalawang pagtatangka.

Ipinakita ng High Speed Hitters ang composure at tapang na hindi nila naipakita sa kanilang nakakagulat na four-set na pagkatalo sa Ho Chi Minh (26-28, 25-19, 21-25, 16-25) noong Huwebes.

Ngayong muli silang nasa karera, nangako ang PLDT na ibubuhos ang lahat sa pakikipagsagupa nito sa Creamline sa Linggo.

“I think we talked in the dugout before and last night as well coming off a loss, and we kind of really needed to check in for this game today because it was a must-win for us,” ani Davison. “So I’m just glad that everyone came ready today to play, and we, you know, we got it done.”

Kumpiyansa si Davison sa kakayahan ng PLDT.

“Hopefully, we come out more consistent in these next couple games. We have two more, hopefully two more to push through, and then, you know, hopefully defending champions. I’m not going to jinx it, but hopefully, fingers crossed,” aniya.

Sinundan ni Kim Dy ang kanyang 25 points laban sa Ho Chi Minh ng 15 puntos, kabilang ang apat na blocks. Nagdagdag si Majoy Baron ng walong puntos, habang sina Mika Reyes at Jovie Prado ay may tig-pito at limang puntos.

Dinaig ng PLDT ang Farm Fresh sa attacks, 57-41. Gayunman, kontrolado ng Foxies ang net sa pamamagitan ng 13 blocks — mas marami ng dalawa kaysa sa High Speed Hitters — sa pangunguna nina Ces Molina at Riri Meneses na parehong may tig-tatlong blocks.

Pinangunahan ni Kim Fajardo ang offense ng PLDT sa pamamagitan ng 26 excellent sets. Samantala, nahirapan ang kanyang katapat sa Farm Fresh na si Alohi Robins-Hardy, na siyam na sets lamang ang naitala sa kanyang pagbabalik sa koponan.

Labindalawang puntos ang naiambag ni Molina para sa Farm Fresh.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles