Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Manny-Jinkee Pacquiao, baliw na baliw sa apo

Kinagigiliwan ng netizen ang mga video posts ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ng mga daily routine nila sa apo nilang si Clara.

Kitang-kita ang lubos na kasiyahan ng mag-asawa sa kanilang apo sinasabi nga ng mga netizen na “baliw na baliw” ang mga ito sa kanilang apo na tunay namang nakakatuwa ang mga baby antics at reflexes.

Si Clara ang kauna-unahang granddaughter at grandchild ng tinaguriang boxing legend at anak ng panganay nilang si Jimuel at  partner nitong si Caroline.

Last November 2025 ito unang ipinakilala sa publiko ng very proud ‘lola’ nitong si Jinkee at simula noon ay lagi na lang inaabangan ng madlang pipol ang mga bagong development sa bata.

Ngayoý nasa 8-9 months old na si Clara at tila giliw na giliw ito sa mga videos niya kasama ang lolo at lola.

Madalas siyang kinakantahan ni Manny habang karga-karga ito at nakakatuwang makita na tila sinasabayan pa niya ang boxing legend sa pagkanta.

Sa mga kaswal na pagkakataon gaya ng nasa loob lang sila ng bahay, sa sala o sa playroom kinagigiliwan ng mga netizen ang labis na pagiging maka-lolo at lola ni Clara dahil halos ayaw na nitong umalis sa tabi nila.

Sa ibang videos naman nito na si Jinkee naman ang may karga ay madalas din siyang mag-wave back sa mga natutuwa sa kanya na animoý isa siyang beauty queen.

“Magiging beauty queen ito,” ang lagi namang sinasabi ni Jinkee sa ngayoý  sinasabing pinaka-sikat na babay sensation hindi lang sa PIlipinas kundi sa mga bansa na marami ding followers si Manny.

Maraming mga videos si Clara na umaabot sa daan-daang libo ang mga ‘likes’ at reposts kaya naman normal na ding may mabalitaan tayong dinadagsa na din ang baby ng mga offers tungkol sa baby products/services.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles