Naghahanap ng scholarship para sa kolehiyo next year?
Binuksan na ng Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) ang online applications para sa 2027 Science and Technology (S&T) Undergraduate Scholarships para sa mga estudyanteng nais kumuha ng priority science and technology courses.
Ang scholarship ay bukas sa natural-born Filipino citizens na magtatapos ng Grade 12 sa school year 2026-2027.
Lahat ng graduating students sa Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand ay maaaring mag-apply. Para naman sa non-STEM students, kailangan silang kabilang sa top 5 percent ng kanilang graduating class.
Pwede ring mag-apply ang mga dating Grade 12 graduates na hindi pa nakakuha ng anumang college o vocational units.
Malaking financial assistance ang naghihintay sa mga kwalipikadong scholars. Para sa nag-aaral sa private higher education institutions, maaaring umabot sa P40,000 kada academic year ang tuition at school fees assistance.
May P8,000 monthly living allowance din sa regular academic semester at P10,000 kada academic year para sa learning materials at connectivity, o P5,000 bawat semester.
Kasama rin sa benefits ang initial clothing allowance, hanggang P10,000 thesis allowance, graduation allowance, at round-trip transportation reimbursement para sa scholars na nag-aaral sa labas ng kanilang home province.
Maaari ring makatanggap ng hanggang P50,000 research dissemination grant ang scholars na magpe-present ng research o thesis sa local o international scientific conferences.
Bukod sa financial support, kabilang sa scholarship program ang leadership training, research camps, mental health workshops, at financial literacy programs sa ilalim ng S&T Learning Assistance Program.
Hanggang September 17, 2026 ang application period, habang nakatakda sa November 14 at 15 ang nationwide qualifying examination.
Kailangang kumpletuhin ng applicants ang online registration at isumite ang lahat ng documentary requirements sa DOST-SEI scholarship application portal. /Bistado


