Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pneumonia nanguna sa PhilHealth payouts; P12.76-B binayaran sa first half ng 2026

Community-acquired pneumonia III ang nanguna sa medical conditions na may pinakamalaking healthcare claim payments mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa unang kalahati ng 2026.

Ayon sa PhilHealth nitong Huwebes, umabot sa P12.76 billion ang binayaran nito para sa naturang kondisyon mula January hanggang June.

Sa kabuuan, P210.09 billion ang inilabas ng state health insurer para sa healthcare claims sa first half ng taon.

Pumangalawa ang cerebral infarction o stroke na may P2.76 billion, kasunod ang acute gastroenteritis na P1.96 billion.

Umabot naman sa P1.78 billion ang payouts para sa dengue with warning signs at P1.60 billion para sa urinary tract infections.

Nasa P1.10 billion ang binayaran para sa stage 2 hypertension at P1.05 billion sa stage 5 chronic kidney disease.

Kasama rin sa may pinakamalaking payouts ang bronchial asthma na P978.18 million, malignant hypertension na P975.20 million, at iba pang kaso ng acute gastritis na P910.34 million.

Hinikayat ng PhilHealth ang members na agad magpakonsulta kapag nangangailangan ng medical attention at tiniyak na may healthcare coverage para sa major diseases sa buong bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles