Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Housing payment moratorium, extended para sa 54k pamilyang sinalanta ng Habagat

Pansamantalang sinuspinde ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang monthly housing loan payments ng mahigit 54,000 member-beneficiaries na naapektuhan ng malalakas na ulan at pagbaha dulot ng enhanced Southwest Monsoon o Habagat.

Epektibo ang moratorium mula August 29 hanggang September 28, 2026 at sakop ang qualified beneficiaries sa National Capital Region, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Bataan, at Tarlac.

Ayon sa SHFC, mahigit 400 community associations ang makikinabang sa payment relief na katumbas ng higit P23.4 million na housing assistance.

“In response to the recent devastation caused by the enhanced Southwest Monsoon, the SHFC reaffirms its commitment to prioritizing the safety, well-being and recovery of our partner communities,” ayon sa public advisory ng ahensya.

Sinabi ni SHFC President at CEO Federico Laxa na layunin ng moratorium na mabawasan ang financial burden ng mga pamilyang kasalukuyang bumabangon mula sa epekto ng matinding panahon.

“Hangad po naming makatulong sa ating mga kababayan na mabawasan kahit papaano ang kanilang mga iisipin habang bumabangon sa pagsubok na ito,” sabi ni Laxa.

Ang hakbang ay tugon sa direktiba nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon Aliling na magbigay ng agarang tulong sa mga komunidad na tinamaan ng kalamidad.

“We advise all affected member-beneficiaries to prioritize family welfare, safety and community rehabilitation,” ayon pa sa SHFC.

Noong nakaraang buwan, nagpatupad din ang SHFC ng kahalintulad na moratorium na nagkakahalaga ng mahigit P5.3 million na housing assistance para sa beneficiaries mula sa mahigit 90 community associations sa NCR, Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, at Cavite.

Pinayuhan ang qualified member-beneficiaries na makipag-coordinate sa kanilang designated account officers o local SHFC branch offices para sa detalye at implementation ng payment deferment. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles