Isang mahalagang tao mula sa nakaraan ni Chiara ang muling papasok sa kanyang buhay—and this time, her return could change everything.
Grand Slam actress Lorna Tolentino joins the hit Netflix series A Secret in Prague bilang si Mama Yaya, ang nag-alaga kay Chiara noong bata pa siya at isa sa mga taong pinaka kilala kung sino talaga si Chiara bago pa man dumating si Mikoy sa kanyang buhay.
Pero hindi simpleng reunion ang pagbabalik ni Mama Yaya.
Sa panahong patuloy na ipinaglalaban ni Chiara, played by Andrea Brillantes, ang pagmamahalan nila ni Mikoy, played by Enrique Gil, babalik si Mama Yaya upang ipaalala sa kanyang hindi lamang ang kanyang nakaraan kundi pati ang mga tungkulin at responsibilidad na hindi niya maaaring basta talikuran.
Kilala ni Mama Yaya ang batang Chiara. Nakita niya kung paano ito lumaki, alam niya kung saan ito nanggaling, at naiintindihan niya ang mga expectations at obligasyong kaakibatng buhay na hinihintay sa kanya.
At ngayong kailangang mamili ni Chiara sa pagitan ng gusto ng kanyang puso at ng mga responsibilidad na kailangan niyang harapin, maaaring si Mama Yaya ang maging gabay niya sa pinakamahirap niyang desisyon.
Pero kanino siya magiging kakampi?
Tutulungan ba niya si Chiara na ipaglaban si Mikoy—or will she remind her that sometimes, duty has to come before love?
Marami nang pinagdaanan ang pagmamahalan nina Mikoy at Chiara. Nalampasan na nila ang mga sikreto, distansya, at mga taong naging hadlang sa kanilang relasyon. Pero sa pagbabalikng isang taong malalim ang koneksiyon sa nakaraan ni Chiara, ibang klaseng laban naman ang kanilang haharapin.
Hindi na lamang ito tungkol sa kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.
Ang tanong ngayon: Sapat ba ang pag-ibig kapag may mga responsibilidad na mas malaki kaysa sa sarili mong kaligayahan?
Kilalang nagbibigay ng lalim at bigat sa bawat karakter na kanyang ginagampanan, dadalhin ni Lorna Tolentino ang panibagong emotional layer sa A Secret in Prague as the series enters a chapter where love, loyalty, and responsibility collide.
At habang muling hinaharap ni Chiara ang kanyang pinagmulan, maaaring mapilitan din si Mikoy na tanggapin na ang pinakamalaking kalaban ng kanilang pagmamahalan ay hindi isang tao—kundi ang buhay na maaaring kailanganing balikanni Chiara.
Magiging daan ba si Mama Yaya para tuluyang magkatuluyansina Mikoy at Chiara—or will her return lead to the demise of the love they fought so hard for?
Abangan si Lorna Tolentino, kasama sina Enrique Gil at Andrea Brillantes, sa mas tumitinding kuwento ng pag-ibig, at mga sikreto.
Panoorin ang A Secret in Prague sa TV5, gabi-gabi, 9:30 p.m.


