Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Hirit ng Atenista: Horse o kalabaw na ba ang susunod na transpo?

Sa sobrang taas ng presyo ng gasolina, pati mga estudyante sa Ateneo, napapaisip na rin ng kakaibang paraan para makatipid sa biyahe.

Sa isang post sa social media site na Reddit, nagtanong ang isang netizen sa komunidad ng mga Atenista kung posible bang gumamit ng kabayo o kalabaw bilang paraan ng transportasyon papunta at pauwi ng paaralan.

Ayon sa naturang post, na inilagay sa subreddit na r/ADMU, nais lamang umano niyang malaman kung ano ang magiging patakaran ng unibersidad kung sakaling may estudyanteng magdala ng ganitong uri ng sasakyan. Nabanggit din niya ang ilang praktikal na problema na posibleng kaharapin, tulad ng kung saan “ipaparada” ang hayop habang nasa klase ang may-ari, at kung paano haharapin ang natural na pangangailangan nito sa gitna ng campus.

Sa unang tingin, tila biro ang tanong. Ngunit marami sa mga sumagot sa online discussion ang nagbigay ng seryosong paliwanag.

Isang Reddit user na nagpakilalang “sillysili” ang nagbahagi ng sariling karanasan sa probinsya kung saan nakasakay umano siya sa kalesa noong bata pa. Ayon sa kanya, kung ilalapat ang ganitong sistema sa loob ng campus, posibleng magdulot ito ng problema sa kalinisan at kalusugan.

“I grew up in the province and during my early childhood years I was able to experience riding kalesas,” ani ng user. Dagdag pa niya, kung may kabayo o kalabaw sa campus, maaaring maging magulo ang sitwasyon dahil sa dumi ng hayop at sa init ng panahon, lalo na sa kapaligiran na puno ng sasakyan.

May isa pang netizen na nagsabing posible naman sa teorya ang paggamit ng hayop bilang transportasyon, ngunit nakadepende ito sa magiging pasya ng administrasyon ng paaralan.

“Logistics and care for the animal aside, it’s not exactly impossible, but depends heavily on admin fiat,” ayon sa user na nagngangalang “areful-Method4015.”

May isa pang komento na nagbanggit ng isyu ng kapakanan ng hayop. Ayon sa user na “kagenohikari,” hindi tulad ng kotse na maaaring iwan sa parking area, kailangan ng hayop ng tamang pahinga at pangangalaga. Kung hindi ito maayos na mapapangalagaan, maaaring mauwi pa sa paratang ng animal cruelty.

Habang kumakalat ang usapan, umabot pa ang screenshot ng Reddit thread sa Facebook page na ADMU Freedom Wall. Doon naman, hinaluan ng katatawanan ng mga netizen ang kanilang mga reaksyon.

Sabi ng isang commenter, “Pwede daw kalabaw sa Ateneo, basta marunong siya mag sabi ng ‘Moo pare…’”

May isa pang nagbiro na kung sakaling matuloy ang ganitong sistema, hindi na umano gas station ang kailangan kundi “grass station.”

Ngunit may isang netizen na nagtanong ng mas praktikal na usapin. “Where would you even find a horse or carabao within Metro Manila?”

Sa kabila ng halong biro at seryosong diskusyon, ipinakita ng viral na usapang ito kung paanong kahit ang mga estudyante ay naghahanap na rin ng alternatibo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo. 

Mula sa mga commuter hanggang sa mga nasa campus, iisa ang tanong: Hanggang saan pa ba ang aabutin ng pagsirit ng krudo?

Kapit mga kabisto!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles