Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sarah Geronimo, finally soon to be a mother

Nagbubunyi ang mga supporters ng Pop Royalty at mga Popsters ni Sarah Geronimo dahil kahit wala pang pormal na anunsyo ng pagbubuntis ng kanilang idolo, masayang masaya sila sa balita.

“Hindi naman siguro nanununog ng balita ang kumpare ni Matt. Saka hindi talaga ginagawang biro ang ultrasound scan sonogram di ba,” komento ng mga supporters na naaliw sa tila prank-post ni Matteo noong nakaraang linggo.

Matatandaang nitong Mayo 2026 sa gitna ng mga concert schedules ni Sarah ay pinayuhan siya ng kanyang doktor na maghinay-hinay sa mga nakakapagod na routines sa pagsayaw at pagkanta.

Noong dapat ay mayroon silang concert sa Pampanga ni Bamboo ay hindi na nga ito naispot ni Sarah dahil balitang mahigpit na itong pinayuhan ng doktor na mag-bed rest, though sa isang pagkakataon ay nakipag-collab si Sarah sa grupong SB19.

Finally, totoo ng buntis ang isa sa pinakasikat na celebrities sa bansa. Nagbubunyi ang POPSTERS… kuha sa FB

“Finally, yung mga pag-aaral ni Sarah kung paanong mabuntis, manganak at maging nanay ay magagawa na niya. Totoo na ito. Matagal na natin itong ipinagdarasal,” sigaw pa ng mga Popsters.

Dahil sa kumpirmasyong ginawa ng matalik na kaibigan at kumpare ni Matt na pinagsabihan pala ng aktor-host sa pagbubuntis ng asawa ay kumalat na ngang parang apoy ang balita sa apat na sulok ng showbiz.

“Mabuti na lang at may pagka-Maritess yung kumpare ni Matt.Kung hindi niya kinumpirma yung ultrasound scan ni Matt, baka hanggang ngayon ay nanghuhula pa tayo. We are praying na hindi naman sana mahirapan si Sarah,” saad pa ng mga Popsters.

Samantala, balita ding nang dahil sa sitwasyon ngayon ni Sarah ay napapadalas na diumano ang pagpunta ng mga magulang nito sa tahanan ng Pop Royalty.

Nagdiwang ng kanyang ika-38 kaarawan last July 25 si Sarah kaya’t sa aspetong medikal ay pinag-iingat na nga siya.

Subalit nang dahil nga sa magandang pag-aalaga ng aktres-singer-host sa kanyang katawan at pagiging very active, napabalitang hindi naman ganun ka-risky ang kundisyon niya pero dahil first time mother siya, lubos pa rin itong pinag-iingat.

Hindi kumpirmado kung nasa ikaapat na buwan o higit pa na umanong buntis si Sarah, pero ang good news ay masaya ang lahat ng humahanga at sumusuporta sa kanila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles