Pagkalipas ng halos walong taon na pakikipaglaban sa kasong ‘sexual harassment’ na isinampa ni Star Patroller Gretchen Fullido, tila dismayado ito sa pagkaka-acquit ng mga kinasuhan niyang sina dating ABS-CBN News supervising producer Cheryl Favila at segment producer na si Maricar Asprec.
Sa 91-page decision na inilabas nitong August 28, 2026, Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 32 Judge Angeli Albana-Garrido, diumanoý hindi nakapagpakita ang prosecution ng sapat na katibayan upang maging guilty ang mga ito sa violation of Republic Act No. 7877, or the Anti-Sexual Harassment Act of 1995.

Binanggit pa ng korte na ang mga pagdududa sa isinampang criminal cases must be “resolved in favor of the accused.”
Base sa inilabas na desisyon, “It is well-established in jurisprudence that in criminal law, all doubts should be resolved in favor of the accused. It is the prosecution’s duty to prove beyond reasonable doubt each and every element of the crime charged, otherwise, the accused should be acquitted. This is in consonance with the presumption of innocence enshrined in no less than the Constitution.”
“Wherefore, premises considered, accused Cheryl C. Favila and Maricar P. Asprec are hereby acquitted for the crime of Sexual Harassment in the Workplace under R.A. No. 7877 for Criminal Case No. 19-05659-CR based on reasonable doubt, ” ang nilalaman pa ng naturang desisyon.
Matatandaang noong 2017 nagsimula ang kaso nang ayon kay Fullido ay nakaranas siya ng hirap sa trabaho dahil sa mga ‘text messages’ noon ng mga kasamang sina Favila at Asprec na tila may mga “sexual innuendos”sa loob ng tatlong taon na kanyang laging ni-re-reject.
Nagkaroon pa ito ng internal investigation sa kumpanya ng ABS-CBN habang patuloy sa pag-perform nila ng kanilang trabaho ang mga sangkot.
Kahit pa napatunayan at sinabi noon ni Fullido na hindi umabot sa “explicit demand for sexual favors” ang lahat, nagdesisyon ang pamunuan ng network na nagkaroon ng “gross misconduct and unprofessional conduct”sina Favila at Asprec dahil sa paggamit nila ng mga ‘sexually oriented language within a superior-subordinate relationship.’
Umalis sa kumpanya si Favila habang na-dismiss naman ang kaso laban kay Asprec dahil sa kakulangan ng ebidensya ayon sa nooý investigation committee ng ABS-CBN.
Hindi rin naman nila pinigilan si Fullido na magsampa ng kaso sa korte kaya’t noong October 5, 2018, pormal na isinampa ni Fullido sa Quezon City Prosecutor’s Office ang kaso laban sa dalawa, kasama na sina Ces Drilon at Mariel Lozano na ayon kay Fullido ay naka-damage din sa kanyang reputasyon dahil sa “victim shaming.”
Una ng napawalang saysay ng korte ang mga naturang reklamo ni Fullido laban kina Drilon at Lozano noong December 2025.
Batay sa nooý lumabas na desisyon, sinabi ng fiscal, “the statements that Drilon and Lozano made in their affidavits were considered “privileged communication” because they did it out of “moral duty” during the course of ABS-CBN’s internal investigation.”
Sa panibagong resultang lumabas na na-acquit sina Favila at Asprec. tila muling dismayado ang magandang Star Patroller ng TV Patrol.


