Sinikap ng BISTADO na makunan ng pahayag ang aktres na si Bea Alonzo o sino mang posibleng magsalita para sa kanya, ng reaksyon hinggil sa mga pasabog ng dating manager nitong si Shirley Kuan.
Subalit ipinarating ng nakausap ng BISTADO na mas pinipili umano ngayon ng aktres na manahimik at huwag munang magsalita.
Ayon sa nakausap ng BISTADO, “sobrang emosyonal pa ang mga bagay-bagay. Hindi pa ito ang tamang oras para makipagsagutan o sumagot sa mga sinabi ni SK (Shirley Kuan). We respect her and her truth.”
Kung darating man daw ang oras na maglalabas ng statement si Bea, titiyakin daw nitong magkakaroon muna ng pag-uusap sina Bea at SK.
Ayon pa sa same source, mayroon pang mga nakabinbing trabaho o commitment na naisara si SK para kay Bea kaya’t kailangan nila itong i-honor, i-deliver, at tapusin.
Samantala, nagpahatid naman ng pasasalamat ang same source sa mga fans at supporters ni Bea pati na ang mga kasamahan nito sa showbiz na nagpapahayag ng suporta sa aktres.

Hindi man tumukoy ng pangalan, subalit, isa na dito ang aktor-friend ni Bea na si Janus del Prado sa mga very vocal na naglabas ng kaniyang suporta kay Bea.
Ayon pa sa socmed post ni Janus, kailangan daw munang mapakinggan ang version ng story ng kaibigan bago man lang ito husgahan ng mga tao.


