Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

15-anyos na nagsalba ng 30 kaklase sa Tacloban school shooting, pinarangalan

TACLOBAN CITY – Posthumous na ginawaran ng Youth Heroism Award ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Youth Commission (NYC) ang 15-anyos na si Chris Lorenz Fabian dahil sa pagsagip sa hindi bababa sa 30 kapwa estudyante sa shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Iginawad ang special citation sa pamilya ni Fabian sa pamamagitan ni DILG Region 8 Director Arnel Agabe, na kumatawan kay DILG Secretary Jonvic Remulla.

Ayon sa DILG, hinarangan ni Fabian ang entryway at inilagay ang sarili sa line of fire upang pigilan ang mga armadong student-attackers na makapasok sa kanilang classroom. Nasawi siya sa insidente.

Sinabi ni Remulla na magsisilbing pagkilala ang award sa tapang ni Fabian at sa kanyang ginawa upang mailigtas ang iba pang estudyante.

“Through our Safer School Zones and Safe Cities initiatives, the DILG commits to continue working earnestly alongside our local leaders, police forces, and educators to protect our children, strengthen security, and ensure every school gate across our region remains a barrier against harm,” sabi ni Remulla sa mensaheng binasa ni Agabe.

Ayon sa DILG, mino-monitor din nito ang local government units sa pagpapatupad ng mas mahigpit na campus safety protocols, pagpapataas ng police visibility sa paligid ng schools, at pagpapalakas ng kakayahan ng communities na maagap na matukoy ang security threats.

Dumalo sa pagkilala ang mga magulang ni Fabian na sina Christopher at Erbea, gayundin ang kanyang lolo na si Rodrigo.

“Hindi namin alam kung paano magsimula kung wala siya, pero sa nagawa niya po, hindi na po niya naisip ang sarili niya, mas inuna niya po ang kapakanan ng iba, kaya nandidito po kami para magpasalamat po sa pagkilala ninyo sa kanya,” sabi ng kanyang ina.

Hinimok din ng DILG ang Tacloban City government at local stakeholders na kilalanin si Fabian bilang local youth hero at gawing bahagi ng kanyang legacy ang pagsusulong ng mas ligtas na mga paaralan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles