Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Nino Muhlach, inako ang lahat ng responsibilidad

Siniguro ng aktor na si Nino Muhlach na dadalo siya sa show cause order na ipinataw sa kanya ng LTO’s Intelligence and Investigation Division (IID) ngayong August 28.

Sanhi nga ito ng isang car accident na kinasangkutan ng dating child wonder of the Philippine showbiz noong August 23 along Marcos Highway, Antipolo City.

Nag-crash ang minamaneho nitong SUV sa ilang mga establisyemento na nasira at isang sugatang dinala sa ospital at nilapatan na ng lunas.

“Inamin ko na ang kasalanan ko at no amount of explanation na pagod at antok ako kaya nangyari ang hindi dapat nangyari. Pinanagutan ko po ang lahat,” sambit ni Onin (palayaw ng aktor) sa maikling panayam sa BISTADO.

Ang vehicular accident na kinasangkutan ni Muhlach… mga kuha mula sa LTO official X page

Ayon kay Onin, papunta siya sa isang commitment nung araw na naganap ang aksidente. Bukod sa pagod ay talaga daw halos wala siyang sapat na tulog dahil sa sunod-sunod niyang activities. Day-off din daw ng kanyang driver dahil Sunday yun kaya’t siya ang nagmaneho ng naturang sasakyan.

“Hindi ko lang talaga matanggihan na hindi puntahan yung kausap ko. Nagpapasalamat pa din ako dahil ganun lang ang nangyari. Walang grabeng nasugatan much more, nasawi. Mga damages lang sa property na handa naman ko naman pong sagutin,” saad pa ni Onin.

Agad nga daw na kinunsulta ng aktor ang kanyang abogado na naghanda ng sworn affidavit niya kung saan ipinapaliwanag niya ang buong pangyayari kasama na ang mga relevant documents na sumusuporta dito.

Sa kanyang socmed account ay tinuran ni Nino ang matinding paghingi ng apology sa kanyang mga nasaktan at nasagasaan. Saad niya, “I am deeply sorry to the victim, their family, and everyone affected by my negligence. I am fully cooperating with authorities as this matter is being resolved.”

Samantala, posible nga daw na makasuhan  ng LTO ng ‘reckless driving’ ang aktor at ang posibilidad na masuspinde o ma-revoke ang kanyang driver’s license.

“Pero depende yan sa matutuklasan pang mga facts ng kaso at base na rin sa laman ng kanyang testimonya at mga isusumiteng dokumento,” sambit naman ng LTO sa isang pahayag.

Dahil sa kagayang insidente at muling nagpahayag si LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, “Bago pa man paandarin ang sasakyan, dapat alam na ng driver kung kaya niyang manatiling alerto hanggang sa makarating sa kanyang destinasyon. Kung pagod o inaantok, huwag nang ipilit ang pagmamaneho dahil inilalagay lamang niya sa panganib ang kanyang sarili, pati na rin ang ibang motorista at mga taong nasa paligid.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles