Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Malacañang bukas umano sa mas mahigpit na restrictions sa social media, digital platforms

Bukas umano ang Malacañang na pag-aralan ang mas malawak na restrictions, kabilang ang posibleng pagbabawal, sa social media at iba pang digital platforms kung mapatutunayang nakapipinsala ang mga ito sa publiko.

Lumutang ang usapin matapos sabihin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na pinag-aaralan nito ang mga panukalang i-ban ang Facebook o Meta kasunod ng mga insidente ng deadly violence na umano’y may kaugnayan sa social media activity.

Nang tanungin sa Palace press briefing nitong Martes kung maaaring ikonsidera ang pagbabawal sa isang platform, sinabi ni Presidential Communications Office Press Officer Claire Castro: “Kung kinakailangan po.”

“At ito ang napag-aralan dahil hindi lamang marahas ang nakikita natin sa ibang klase ng social platform at sa social media. Kailangan din pong pag-aralan kung ito ba ay nakakabuti sa paglaganap ng mga fake news sa ating bansa,” dagdag niya.

Ayon kay Castro, maaaring isaalang-alang ang mas matinding hakbang kung walang accountability ang social media companies at mabagal ang kanilang pagtugon sa mga alalahanin tungkol sa violence at misinformation.

“Kung hindi magkakaroon ng accountability ang anumang social media platform at parang nababalewala ang ating mga hiling para maproteksyunan ang ating mga kababayan laban sa karahasan, laban sa fake news, mabagal ang pagtugon, magandang pag-isipan at pag-aralan kung dapat silang manatili na parte ng ating sistema,” sabi niya.

Nilinaw naman ni Castro na magkaiba ang fake news at lehitimong criticism o opinion.

“Iba naman po kasi iyong fake news. Iba naman iyong ikaw ay naglalahad lamang ng iyong opinion, kritiko ka, hindi po yan pinagbabawalan,” sabi niya. “Wala pong pinagbabawalang kritiko lalong-lalo na sa panahon ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.”

“Ang hindi lamang po natin matatanggap, lalong-lalo na ang hindi matatanggap ng Pangulo ay ang paglaganap ng fake news,” dagdag niya.

“Kasi kapag fake news ang umiral sa atin at ngayon tayo ay nabubuhay sa fake news, paano na po ang magiging kinabukasan ng ating mga kabataan at kinabukasan mismo ng ating bansa kung sa fake news tayo mabubuhay.”

Nang direktang tanungin tungkol sa Facebook, pinalawak ni Castro ang sagot sa iba pang digital platforms.

“Sa lahat. Maaaring gaming app, lahat ng pwedeng masasabing makakasira sa ating kabataan at sa bansa natin, open po tayo na matanggal ng lahat ng iyan,” sabi niya.

Wala pang inanunsyong outright ban ang Malacañang. Batay sa pahayag ni Castro, bukas pa lamang ang Palasyo na pag-aralan ang posibilidad ng restrictions kung hindi sapat ang pagtugon ng platforms sa concerns tungkol sa violence, fake news, at kaligtasan ng users. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles