Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Labi ng 13-anyos na nalunod sa Baseco, natagpuan matapos ang 7 araw

MANILA – Natagpuan na ang katawan ng 13-anyos na batang nawala matapos maligo sa Baseco Beach sa Maynila noong August 15.

Makalipas ang pitong araw na paghahanap, natagpuan ang katawan ni Rhomel sa baybayin sa boundary ng Navotas at Obando, Bulacan. Positibo itong kinilala ng kanyang pamilya.

Ayon sa ulat, lumangoy si Rhomel sa Baseco Beach kasama ang isang kaibigan. Nakaligtas ang kanyang kasama, pero inanod umano si Rhomel ng malalakas na alon dulot ng Habagat.

Pinangunahan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD), sa pamumuno ni Director Arnel Angeles, ang tuloy-tuloy na search and retrieval operation katuwang ang Obando MDRRMO, Navotas DRRMO, at iba pang ahensya.

Tumulong din sa paghahanap ang Philippine Coast Guard at ang Bureau of Fire Protection.

Matapos makumpirma ng mga kaanak ang pagkakakilanlan ng bata, agad na isinagawa ang mga kinakailangang paghahanda para sa kanyang pagpapalibing sa kahilingan ng pamilya, katuwang ang Manila South Cemetery. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles