Naging mainit na isyu nitong nakaraang weekend ang biglang pag-anunsyo na may bago nang kinuhang manager ang maganda at mahusay na aktres na si Bea Alonzo.
Ang kilalang si Shirley Kuan ang tumayong manager ni Bea sa loob ng anim na taon simula ng itoý lumipat sa Kapuso network mula sa ABS-CBN.
Si Kuan din ang naging instrumento sa mga bonggang projects ni Bea, hanggang sa mapabalita ngang magpapakasal na ito sa asawa niya ngayong si Vincent Co.
May mga kumakalat na tsismis na diumanoý may malaking ‘tampo’ si Kuan sa kanyang alaga na hindi man lang daw nito naipagtanggol ang manager sa mga pangit na balita laban dito tungkol sa pagpapakasal ni Bea kay Vincent.
Ayon sa ilang tsismis thread, nang mag-deny daw ng anumang involvement si Kuan sa mga nangyaring “iskandalo at tsismis” sa urong-sulong na kasal ng aktres, umasa daw itong maipagtanggol man lang ni Bea.
Subalit hindi nga daw yun nangyari hanggang sa ikasal nga ito nang hindi rin daw nalalaman o na-inform man lang ni Bea ang manager.
Bunsod nito, ayon sa napag-alaman ng BISTADO, nagpatong-patong na daw ang tila hindi na healthy relationship nina Bea at Kuan, kaya’t nauwi sa pag-resign ni Kuan ang desisyon nitong bitawan na si Bea bilang alaga.
Ang Puregold film project director na nagpapatakbo ng Puregold short film festival na si Chris Cahilig ang ngayoý tumatayong ‘interim manager’ ni Bea.
Isang film producer/director si Cahilig na mayroon ding PR firm at siya nga din ang pinagkakatiwalaan ng Puregold company sa mga entertainment and related causes na ginagawa ng kumpanya through films and social media relations.
Ang Puregold ang isa sa mga chain of food and retail companies ng Co family, kung saan si Vincent ang nagpapatakbo.
Batay sa kaugnay na panayam kay Cahilig tinuran nitong, “I am not really privy doon sa conversation nila (Alonzo and Kuan). But there is a need to take care of unfinished businesses. There are inquiries for endorsements. So the couple approached me if, for the meantime, I can take care of all those things for them. And I agreed as the interim agent or manager for Bea.”
“Right now, Bea is in a new phase in her life being a married woman. Siyempre priority ni Bea ’yung family niya,” dagdag pa ni Cahilig.
Sa simpleng mensaheng ipinaabot nito sa BISTADO thru messenger message ay umaasa itong magagampanan niya ang ‘challenging’ role niya as Bea’s new manager.
Sambit nito, “tulungan lang naman iyan.”
Samantala, sinubukan naman ng BISTADO na makuhanan ng pahayag si Kuan hinggil sa naging resignation niya as Bea’s manager noong Agosto 11, pero hindi pa ito tumutugon.


