Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pilipinas, winalis ang 4th SEA Open Water girls’ 16-17 3K

Nanguna si Bella Aaliya Pano sa 1-2-3 finish ng Pilipinas sa girls’ 16-17 years 3K festival ng 4th Southeast Asia Open Water Swimming Championships sa Boracay nitong Sabado.

Nagtala si Pano ng gold-medal time na 40 minuto at 11.49 segundo, na sinundan nina Dominique Gabrielle Lepaco (50:25.27) at Samantha Dainyhel Jamelarin (50:30.06).

Itinodo rin ng Vietnam ang husay matapos walisin ang six-kilometer mixed relays sa dalawang age group na ginanap sa magandang kondisyon ng 1.5K course na tanaw ang Boracay Newcoast.

Namayani ang mga Vietnamese sa 14-18 years at 20-and-above sa torneo na inorganisa ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) at binasbasan ng Southeast Asian Swimming Federation.

Sina Ngoc Vin Dho, Kha Ni Nguyen, Tu Uyen Le Huynh at Van Dung Cao ay nagtala ng pinagsamang isang oras, 15 minuto at 43 segundo upang makuha ang gold medal sa 14-18 class.

Nanguna naman sina Vin Thabao Nguyen, Thi Bac Ngoc Vo, Thi Thuy An Pan at Gu Phuc Tran sa older category, matapos magtapos sa 1:13.20.

Nakuha ng Thailand (1:16.50) at Singapore (1:20.33) ang silver at bronze, ayon sa pagkakasunod, sa 14-18 division, habang gayundin ang mga Thai (1:16.45) at Indonesian (1:20.21) sa 20-year-old above class.

Karamihan ng mga kalahok na Pinoy ay patuloy pang nangangapa at nagtapos sa ikaapat at huling pwesto sa parehong kategorya.

Sa 14-18, nagtala sina Alexander Chu, Nuchs Veronica Ibit, Graziella Sophia Ato at Anton Paulo Dominick Della ng 1:22.34.

Parehong oras nagtapos sina Zhyhed Phoenix Pajas, Makayla Bettina Fetalvero, Stacey Arabelle Bee at Rio Stephen Coliyay sa 20-and-above.

“I tried my best to catch up in the last leg of the relay but the Singaporean swimmer ahead of me was just too far ahead,” ani Della tungkol sa kanyang anchor leg sa 14-18.

“Perhaps if we had more time to train together we could have performed better,” dagdag ni Della, na sumungkit ng silver medal noong Biyernes sa men’s 10km 18-19 at pumang-apat sa Open class.

Vernan Certeza, 85, ng Jaro, Iloilo, na tinapos ng wala pang 90 minuto ang 3K men’s festival event (Mula sa PAI)

Naging sentro rin ng atensyon ang pinakamatandang kalahok sa 3K men’s festival event na si Vernan Certeza, 85, ng Jaro, Iloilo, na kahanga-hangang nakatapos ng wala pang 90 minuto.

Pinuri ni PAI secretary general Eric Buhain ang mga lokal na swimmer at binigyang-diin na karamihan sa kanila ay kasalukuyan pa lamang lumilipat mula sa mas maiikling distansya ng indoor swimming patungo sa mas mahabang open water.

“We are sowing seeds for the future with these young swimmers, an investment in open water swimming that will pay off in the long run as we aim to aggressively catch up with the rest of the region,” ani Buhain.

“Given time, we aim to be at par if not better than our Southeast Asian neighbors.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles