Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PSA, GCash inilapit ang national ID at e-wallet services sa Albay

Inilapit ng Philippine Statistics Authority (PSA) at GCash sa mga residente ng Barangay Tagas sa Tabaco City, Albay, ang pagpaparehistro sa National ID at kumpletong beripikasyon ng e-wallet accounts.

Isinagawa mula August 17 hanggang 19 ang “PSA PhilSys-on-Wheels” at “GCash KYC On-the-Go,” isang one-stop service hub para sa Philippine Identification System registration at GCash account verification.

Pangunahing target ng programa ang mga manggagawa sa informal economy at mga residenteng nasa kanayunan, kabilang ang mga magsasaka, tindero sa palengke at tricycle driver na nahihirapang makagamit ng pormal na serbisyong pinansyal dahil sa mahihigpit na documentary requirements.

Sa pamamagitan ng PSA eVerify, ang identity authentication na karaniwang inaabot ng ilang araw ay maaari nang matapos sa loob lamang ng ilang minuto.

Ang rollout ay alinsunod sa direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nag-aatas sa mga e-wallet at digital banking institution na kumonekta sa PSA National ID system. Nauna nang ipinatupad ng GCash ang naturang security standard noong 2024.

Bukod sa pagpapabilis ng verification, nakatutulong ang automated system na pigilan ang identity theft at inaalis ang pangangailangang magpakita ng maraming physical ID sa simpleng transaksiyong pinansyal.

Dahil direktang dinala sa komunidad ang serbisyo, mas madali nang makagagamit ang mga low-income household at residente sa malalayong lugar ng digital payments, savings, microloans at insurance.

Nagsagawa rin ang mga kinatawan ng GCash ng financial literacy sessions para sa mga residente.

Mula January hanggang June, nakapagtala ang PSA-Bicol ng 257,122 National ID registrations—mas mataas na sa 252,885 na naitala sa buong 2025.

Pagsapit ng July, umabot sa 305,136 ang rehistrasyon sa rehiyon ngayong taon. Dahil dito, umakyat sa 5,596,632 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong residente sa Bicol, katumbas ng 92.23 porsiyento ng populasyon nito.

“The accomplishments of the first half of 2026 demonstrate the value of inter-agency collaboration in making government services more accessible to every Filipino. By integrating National ID services into social protection and health initiatives, we are not only increasing registrations but also ensuring that beneficiaries are equipped with trusted proof of identity that enables them to access essential services,” ani PSA-Bicol Regional Director Cynthia Perdiz. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles