Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P8.4-M smuggled cigarettes nasabat sa Bulacan; 1 arestado, 2 pinaghahanap

Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang P8.4 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes sa isang warehouse sa Santa Maria, Bulacan.

Isang adult Filipino suspect ang inaresto, habang pinaghahanap pa ang dalawang iba pang taong kinilala lamang sa mga alyas na “Jocelyn” at “Alex.”

Isinagawa ng PNP Highway Patrol Group, sa pamamagitan ng Regional Highway Patrol Unit-National Capital Region, ang anti-smuggling operation noong Miyerkules, August 19.

Ni-raid ng mga awtoridad ang warehouse sa Diapera Street, Barangay Pulong Buhangin, kung saan narekober ang 225 kahon ng sigarilyong pinaniniwalaang ipinuslit sa bansa.

Sumailalim sa physical examination ang naarestong suspect bago siya itinurn-over sa investigating unit para sa documentation at kaukulang legal proceedings.

Patuloy namang pinaiigting ng PNP ang operasyon laban sa ilegal na pagpasok at paggalaw ng mga smuggled goods sa bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles