Nakatanggap ng mga bagong kagamitan ang weightlifting gym ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa Mampang, Zamboanga City.
Ang gym na itinatag noong 2017 ay mga bagong supply mula sa Philippine Sports Commission (PSC).
Sinabi ni PSC Chair Patrick Gregorio na malayo ang mararating ng mga bagong equipment.
“It was a promise kept. This is about building dreams. By equipping the home of our local weightlifting community, we are laying the foundation for the next generation of Olympic icons,” ani Gregorio.
Ipinahayag ni Diaz ang kanyang kasiyahan na makita ang mga batang weightlifter na nakikinabang sa mga bagong kagamitan.
“Thanks to this weightlifting equipment, the athletes of the Mampang Weightlifting Club can continue their training,” ani Diaz, na may silver medal din mula sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.
“I am happy to see many young people trying out weightlifting and dreaming of becoming medalists.”
Dumalo sa seremonya ng turnover ang mga opisyal ng PSC na pinangunahan ni Executive Assistant Lito Cinco mula sa Office of Commissioner Matthew Gaston, Zamboanga City Councilor Elbert Bong Atilano at Sports Development Officer Cecilia Atilano, mga national coach na sina Allen Jayfrus Diaz at Emelita Diaz, at mga Asian Youth and Junior medalist na sina Alexsandra Ann Diaz at Jhodie Peralta.
Malaking tulong ang turnover para sa weightlifting community ng Zamboanga, na nagsisiguro na may access ang mga batang atleta sa mga kagamitang pasok sa international standards at isang kapaligirang makatutulong sa kanilang pag-unlad.
Ang proyekto ay pagtutulungan ng PSC at Department of Education, sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa dalawang institusyon ng pamahalaan na magtulungan sa pagbuo ng mga sports program sa buong bansa.
“Grassroots development is the lifeblood of Philippine sports. Every barbell lifted here is a step closer to producing champions who will one day carry our flag on the world stage,” ani Gregorio.
Para sa PSC, muling pinagtitibay nito ang misyon nitong bigyang-kakayahan ang mga grassroots athlete at palakasin ang pipeline ng mga magiging kampeon sa hinaharap.


