Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Eala maaaring maging world No. 18

Si Alexandra “Alex” Eala ay magiging pinakamataas ang seeding na Pilipino na lalahok sa isang major tournament sa panimula ng US Open sa New York.

Matapos ang kanyang pag-abot sa third round ng WTA 1000 Cincinnati Open, nakatakdang maabot ni Eala ang panibagong career-high na No. 18, ayon sa live rankings nitong Miyerkules.

Ang opisyal na rankings update sa Agosto 24 ang magtatakda sa top 32 at tanging mga seeded player sa US Open.

Kahit manatili si Eala sa kanyang opisyal na ranggo na No. 20 o bumaba ng ilang puwesto sa susunod na linggo, siya pa rin ang pinakamataas ang seeding na Pilipinong singles player sa isang Grand Slam tournament.

Ang dati niyang pinakamahusay ay ang No. 29 seed sa Wimbledon noong Hulyo, kung saan gumawa siya ng kasaysayan bilang unang Pilipinong singles player na naging seeded sa isang Grand Slam tournament.

Si Eala ay makakapareha din ni Felix Auger-Aliassime msa mixed doubles event.

Excited ang Canadian na makasama si Eala sa unang pagkakataon.

“It’s a great opportunity,” ani Auger-Aliassime sa isang panayam sa Tennis Channel. “The people in our teams talked to make that happen.”

Kabilang sina Eala at Auger-Aliassime sa mga wildcard sa main draw. Ang iba pa ay sina Sarra Errani at Andrea Vavassori, Leylah Fernandez at Frances Tiafoe, Taylor Townsend at Alexander Zverev, at mag-asawang Elina Svitolina at Gael Monfils.

Samantala, may direct entries sina Novak Djokovic at Aryna Sabalenka, gayundin sina Iga Swiatek at Casper Ruud.

“It is a great opportunity because I did not play last year. This time around, I get to feel what it’s like to have the ‘Eala-effect’ and fanbase behind me,” ani Auger-Aliassime, edad 26.

Bukod dito, sinabi ni Auger-Aliassime na ang pagsali sa mixed doubles event ay pagkakataon din para sa kanilang dalawa na manatiling nakatuon sa kani-kanilang singles campaign.

“It keeps you in the competitive mindset,” aniya. “It’s a great thing, and I think I’m gonna live it out there.”

Gaganapin ang mixed doubles qualifiers sa Agosto 24, habang magbubukas naman ang main draw sa Agosto 25.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles