Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Derek Ramsay, inagapan ang pag-report sa LTO

Gaya ng unang napaulat dito sa BISTADO, mas maaga sa itinakdang August 24 hearing ang ginawang pag-report ng aktor na si Derek Ramsay sa tanggapan ng LTO.

Sa ulat natin noong Agosto 15 matapos mag-viral ang pagkakahuli sa sasakyang Porsche 918 Spyder na pag-aari ni Ramsay na umanoý gumagamit ng “fake license plate”, agad na nagparating ng kooperasyon ang aktor na ‘willing siyang makipag-cooperate’ sa gagawing investigation ng LTO.

Through social media lang daw nabalitaan ni Ramsay ang nangyari sa kanyang sasakyan bunsod na din ng mga bashing na kanyang inabot.

Sey nga nito noong August 16 sa kanyang IG post, “I do not drive any cars with fake plates. All my vehicles have proper plates. Pls carefully read the statement issued by LTO to properly understand what is happening.”

“To the LTO, I apologize for what is going on. Driving with fake plates is wrong and should not be tolerated,” dagdag pa nito.

Kaya naman imbes na sa itinakdang araw ng LTO meeting sa August 24, agad na nagtungo si Ramsay nitong August 17, sa kasagsagan ng mga ulan at pagbaha sa buong Metro Manila, kasama ang kaibigang si Anthony Violago upang isuko ang supercar na tinatawag pati ang mga driver’s license nila.

Ayon sa mga lumabas na ulat, humingi umano ng paumanhin ang dalawa sa tanggapan ni LTO chief Asec. Marcus Lacanilao.

Si Violago na kaibigan ng aktor ay nagpaliwanag na hiniram niya daw ang sasakyan mula sa kaibigan at siya ang personal na nagpalit ng plaka nito, using his initials para may maipang-porma sa isang dadaluhang event.

Ayon pa sa kanya, nasa abroad noon si Ramsay, bago pa man niya naisauli ang sasakyan hanggang sa masita nga ito ng LTO.

Dahil si Ramsay ang nakatala na bagong owner nito, malaki ang kanyang responsibilidad sa ginawa ng kaibigan.

Batay sa LTO, bukod sa penalty na P5,000 maaari ring masuspinde o mabawi ang driver’s license nila depende sa magiging resolusyon ng LTO Intelligence and Investigation Division.

Naka-impound pa rin sa ngayon ang Porsche ni Ramsay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles