Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Civil Defense: 5.15-M katao apektado ng masamang panahon

Umabot na sa 5.15 milyong katao ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng tropical cyclones Luis at Maymay at patuloy na pag-ulan dulot ng habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Sinabi ng OCD nitong Martes na katumbas ito ng halos 1.47 milyong pamilya mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Calabarzon, Mimaropa, Cordillera region at National Capital Region.

Ayon kay OCD information officer Diego Mariano, nasa 313 evacuation centers ang kasalukuyang nagsisilbing pansamantalang tirahan ng 6,338 pamilya o 21,591 katao.

Umabot na rin sa ₱760.1 milyon ang kabuuang tulong na naipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan.

Samantala, bineberipika pa ng OCD ang 26 iniulat na pagkamatay. Kabilang dito ang 15 sa Benguet; tig-tatlo sa Rizal at Batangas; dalawa sa Caloocan; at tig-isa sa La Union, Quezon at Negros Occidental.

Dahil patuloy pa ang validation, hindi pa itinuturing na pinal ang naturang death toll.

Nananatili naman sa 17 ang bilang ng mga nasugatan, habang isang tao ang iniulat na nawawala.

Tinatayang 1,786 bahay ang napinsala dahil sa masamang panahon, habang 203 naman ang tuluyang nawasak. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles