Magreretiro na si Russell Westbrook matapos ang 18 seasons sa National Basketball Association (NBA).
Si Westbrook, edad 37, ang career leader ng NBA sa triple-doubles at 2017 Most Valuable Player.
Ibinahagi ng two-time scoring champion ang kanyang desisyon sa social media sa isang post na nagtatampok ng video na ang aktor na si Michael B. Jordan lamang ang nagsalaysay.
“Sometimes you don’t even know when you’ve already watched the end,” pahayag ni Westbrook. “You had to be there. And now it’s over.”
Mula UCLA (University of California, Los Angeles), si Westbrook ang No. 4 pick noong 2008 ng Seattle SuperSonics, bago lumipat sa Oklahoma City.
Ginugol niya ang kanyang unang 11 seasons sa Thunder at ang nakaraang season sa Sacramento Kings.
Tatlong beses pinangunahan ni Westbrook ang NBA sa assists at dalawang beses siyang naging MVP ng All-Star Game. Nanalo rin siya ng Olympic gold medal sa 2012 London Games.
Nagtapos ang karera ni Westbrook na may 209 triple-doubles, ang huli ay noong Marso 15.
Pumapangalawa si Nikola Jokic sa kategoryang iyon na may 198 pagpasok ng season na ito.
Hawak din ni Westbrook ang NBA record para sa pinakamaraming triple-doubles sa isang season, na may 42 noong 2016-17, nang makuha niya ang kanyang nag-iisang MVP award.
Nag-average siya ng double figures sa points at assists sa lima sa anim na seasons simula noong 2015-16 season.
Nakapaglaro rin si Westbrook para sa Houston, Washington, at dalawang koponan ng Los Angeles (Lakers at Clippers).
Noong nakaraang season, nagsimula si Westbrook sa 58 out of 64 na larong kanyang nilaro para sa Sacramento. Nag-average siya ng 15.2 points at 6.7 assists.
Samantala, magsisimula ang 2026-27 NBA regular season sa Oktubre 20 sa pamamagitan ng tripleheader na tampok ang debut ni LeBron James sa Philadelphia 76ers laban sa defending champion na New York Knicks.
Magtutuos ang Boston Celtics at Detroit Pistons sa unang laro bago bumisita ang 76ers sa Knicks.
Susunod na haharap ang Oklahoma City Thunder sa San Antonio Spurs sa sa Oktubre 21.
Tatanggapin ng Knicks ang kanilang championship rings at itataas ang kanilang unang title banner mula pa noong 1973 bago harapin ang 76ers sa Madison Square Garden.
Mamarkahan ng laro ang mga debut nina James at Jaylen Brown para sa 76ers.
Sisimulan ni James ang kanyang record-extending na ika-24 na NBA season matapos umalis sa Los Angeles Lakers, habang ang 2024 NBA champion na si Brown ay sumali sa 76ers matapos gugulin ang unang sampung season ng kanyang karera sa Celtics.
Ang huling laro sa opening night ay magiging rematch ng Western Conference Finals noong nakaraang season, kung saan tinalo ng Spurs ang Thunder, 4-3.


