Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 bayan sa Pangasinan, nasa state of calamity na dahil sa baha

Tatlong bayan na sa Pangasinan na nasa ilalim ng state of calamity matapos sumunod ang bayan ng Sta. Barbara sa Dagupan City at Mangaldan dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha.

Dulot ang masamang panahon ng pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis at Maymay at ng pinalakas na southwest monsoon o Habagat.

Batay sa ulat ng Sta. Barbara Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), umabot sa 5,061 pamilya mula sa 15 barangay ang naapektuhan ng pagbaha.

Nilagdaan ni Mayor Carlito Zaplan ang deklarasyon nitong Huwebes sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) at sa pamamagitan ng resolusyong ipinasa ng Sangguniang Bayan.

“Under the declaration, the local government unit will have the legal basis to use the appropriate disaster fund for immediate response, relief, rehabilitation, and recovery efforts,” pahayag ng municipal public information office nitong Biyernes.

Dahil sa deklarasyon, maaari nang gamitin ng local government unit ang naaangkop na disaster funds para sa agarang pagtugon, relief operations, rehabilitasyon at pagbangon ng mga apektadong komunidad.

Magkakaroon din ng mas madaling access ang mga residente sa tulong at calamity assistance mula sa iba’t ibang ahensiya at institusyon ng gobyerno.

Sa inisyal na assessment ng Municipal Agriculture Office, umabot sa ₱19.95 milyon ang pinsala sa mga pananim, karamihan ay palay at mais.

Nakauwi na ang karamihan sa mga residenteng lumikas dahil sa baha. Gayunman, apat na pamilya ang nananatili sa evacuation center noong Huwebes.

Noong August 11, nauna nang isinailalim sa state of calamity ang Dagupan City at bayan ng Mangaldan dahil din sa epekto ng malalakas na ulan at pagbaha. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles