Tinatayang ₱1.4 milyon ang halaga ng mga ari-ariang naabo matapos sumiklab ang apat na oras na sunog sa Zamboanga City madaling araw ng Biyernes.
Nagsimula ang sunog dakong 1:21 a.m. sa Sitio Cambodia, Purok 1, Barangay Sangali, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
“The fire started in one of the houses and rapidly spread and engulfed nearby houses,” ani Zamboanga City Fire District (ZCFD) Marshal Supt. Leo Pioquinto.
Isa sa mga may-ari ng bahay na naapektuhan ang kinilalang si Nering Wahi.
Umabot sa third alarm ang sunog bago idineklarang under control dakong 2:44 a.m. matapos ang tuloy-tuloy na fire suppression operations.
Sa inisyal na imbestigasyon, 40 bahay ang natupok at tinatayang 50 pamilya ang naapektuhan. Isinasailalim pa sa assessment ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang kabuuang bilang ng mga nasunugan at lawak ng pinsala.
Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.
Siyam na fire truck ng BFP ang rumesponde. Nagpadala rin ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ng tatlong water tanker, habang isang water tanker naman ang ipinadala ng isang pribadong fishing company.
Pinakikilos na ng city government, sa pamamagitan ng CSWDO, ang mga kinakailangang resources upang mabigyan ng relief assistance ang mga pamilyang nawalan ng tirahan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. /Bistado


