Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Puregold kumita ng ₱5.87-B sa unang 6 buwan

Umangat ng 11 porsiyento sa ₱5.87 bilyon ang net income ng Puregold Price Club Inc. sa unang kalahati ng 2026, mula sa ₱5.29 bilyon na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Iniulat nitong Huwebes ng grocery retailer na pinamumunuan ng negosyanteng si Lucio Co na itinulak nito pataas ang kita nito sa pamamagitan ng paglago ng sales at pagbuti ng gross margins, kasabay ng patuloy na pakikipagtulungan sa mga supplier.

Lumobo rin nang halos 11 porsiyento sa ₱121.48 bilyon ang kabuuang sales ng Puregold mula sa ₱109.87 bilyon noong nakaraang taon.

Umabot naman sa ₱25.63 bilyon ang gross operating income ng kompanya, katumbas ng 21.1 porsiyentong gross operating margin.

Kasabay ng paglaki ng negosyo, tumaas din nang 11 porsiyento ang operating expenses sa ₱16.74 bilyon mula sa ₱14.98 bilyon.

Pagsapit ng katapusan ng June, mayroon nang 794 tindahan ang Puregold sa buong bansa.

Kabilang dito ang 688 Puregold supermarkets, 33 S&R Membership Shopping warehouses at 73 S&R New York Style Pizza outlets. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles