Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Direk Joey Reyes, “attitude ng mga Pilipino ang problema”

Kilalang mataray at maanghang magsalita si direk Joey Reyes, ang kasalukuyang Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), at kilala rin bilang isa sa mga pinakamahuhusay na writer-direktor ng bansa.

Sa ongoing na Cinemalaya Festival kung saan may mga local films na magaganda subalit hindi gaanong pinapanood ng mga pinoy moviegoers ay tila muling nadismaya ang beteranong filmmaker.

Ongoing din kasi ang showing at balitang umaabot na sa bilyones na piso ang kinikita ng mga hollywood blockbuster movies na SPIDERMAN at ODYSSEY.

Sa isang bahagi ng programa sa Cinemalaya kung saan may mga ‘pinoy classic films’ na muling ipinalalabas in their restored and enhanced versions sa tulong ng FDCP, nakapagbitaw ng mga pahayag si direk Joey.

Sinabi nitong nakakalungkot talagang mabalitaan na umaabot ng bilyong piso ang kinikita ng mga foreign films samantalang swerte nang umabot sa daang libong piso ang earning o gross ng isang local film.

Matagal ng usapin sa film industry ang ganitong paksa kaya nga nagtatakda ang mga local producers at ilan pang ahensya ng mga pestibal sa loob ng isang taon upang magkaroon ng venue ang mga “piling-piling pelikula” na pasado sa standards ng pinoy moviegoing public.

Bukod sa Metro Manila Film Festival, nandiyan nga ang Cinemalaya at iba pang small pinoy festivals.

“Ang problema kasi ng ating industry, yung ugali ng mga pinoy. Yung attitude ng mga kababayan natin towards our own local movies,” bahagi ng pahayag ni direk Joey na ngayo’y nag-create ng iba’t-ibang opinyon sa mga manonood.

Ayon pa sa pamosong direktor, hindi daw ang presyo ng ticket ang problema kung bakit hindi na pinapanood sa mga sinehan ang local films. 

Sa isa pang panayam, sinabi din ni direk Joey na,”we should stop measuring ourselves based on western standards.”

Inihambing niya ang Korean film industry na booming at kinikilala na din internationally.

Ayon pa kay Reyes, hindi naman daw overnight success ang nangyari sa Korean film industry dahil tiniyaga nila ang pag-develop ng audience nila at tunay na namuhunan para makapag-produce ng mga movies na kultura at tradisyong Koreano, pero ina-admire ng buong mundo

“Hallyu did not happen overnight,” sey nito. “It took decades of dedication, focus and love for Korea by Koreans. If we want our own popular culture to be appreciated around the world, we must first love who we are.”

Sanhi ng mga naturang pahayag, nag-react ang pinoy movie going public.Naririto ang ilan sa kanila:

“Grabe naman makasisi sa pilipino. The audience is exercising their right to vote with their wallet. They can choose to watch the movie of their choice, they can also choose to spend their money elsewhere. Hindi lahat mapipilit manood ng Vic Sotto x Vice Ganda. Yung iba ibinibili ng pagkain para sa pamilya.”

“Hindi problema and attitude ng filipino. May standards na ang pinoy pag dating sa pelikula sadyang di umaangat ang kalidad niyo napag iwanan kayo sa mga pacute na love team imbis na iimprove niyo ang cinematography niyo at visual effects. Nakakahiya ka “tanyag” na direktor ka pa naman di mo alam kung ano ang problema.”

“Joey Reyes excuuuse meeehh, dont point your fingers on us moviegoers. Fault nio yan coz for decades wala ng quality ang mga movies ng Pinas. Naungusan na tayo ng creativity ng ibang bansa like Korea. Hallleerrr… give us quality, and Oscar-worthy movies and maybe then we’ll consider going back to cinemas. Not our fault! We’re moviegoers. Creativity lies on people in the movie industry. Wag tayo maging mediocre ang mindset. Dapat laging quality at di barya barya type of movies lang bigay nio sa amin. Gets!?”

“Global and industry wide yung threat ng streaming sa movies. Kahit Hollywood, hindi safe diyan. Kaya nga napilitan ang Hollywood i-elevate ang production value para pumunta ang mga tao sa sinehan. Grabe din sila sa marketing. Ang Filiipino films need to produce more than just love stories, comedies, and indies. Otherwise, hihintayin ko mga yan sa streaming. If magbabayad lang din ako ng P400-500. Dun din naman papunta streaming yan. Plus, the celebrities in PH are so available nowadays. Ni hindi ka man lang nasasabik makita sila kasi araw araw mo halos nakikita sa Instagram. Filipinos need to unite and rally across a story with A-plus marketing. Dapat hindi lang masa ang makukuha pati middle class. Ganun ang box office.”

“Direk Joey, bilang batikan ka na jan.. bakit hindi mo iRoot Cause analysis yan? Bakit nga ba sa foreign films willing magbayad ng pera at oras ang pinoy pero sa local movie eh hindi? Nag try ka na gumawa ng Mala Avengers film? May pinoy movie na ba na kalevel ng Odyssey? Kung wala, manahimik ka. At wag mong ipilit na gumastos at mag aksaya kame ng panahon manuod ng mag loveteam na parehong hindi nag workshop sa kwentong ang main issue eh nag break up dahil hindi lang nasagot ang tawag at nakitang may kasamang ibang babae.. phulleezzz.. mataas na standards namen..”

Naging pamoso si Reyes sa mga obrang tumatalakay sa mga socially relevant issues gaya ng mga obra niyang Private Show, Kasal-Kasali-Kasalo, Batang PX, at marami pang ibang award-winning movies na kanya ding sinulat bukod sa dinerek.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles