Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Habagat magbubuhos ng malakas na ulan sa 3 probinsya

Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko sa posibleng pagbaha at landslide dahil sa malakas na ulang dala ng southwest monsoon o Habagat.

Sa Weather Advisory No. 40 na inilabas alas-5 ng hapon nitong Martes, August 11, sinabi ng Pagasa na maaaring makaranas ang Zambales, Bataan at Occidental Mindoro ng 50 hanggang 100 millimeters na ulan hanggang Miyerkules ng hapon, August 12.

Nagbabala ang weather bureau na maaaring mas mataas pa ang dami ng ulan sa mountainous at elevated areas.

Posible ring lumala ang epekto ng pag-ulan sa mga lugar na nakaranas na ng matinding pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Dahil basa na ang lupa at mataas ang tubig sa ilang ilog at drainage system, tumataas ang panganib ng flash flood at landslide.

Pinayuhan ang mga apektadong local disaster risk reduction and management office na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles