Muling nakaranas ng matinding bashing ang magandang aktres na si Atasha Muhlach nang mapanood ito ng mga netizen na kumakanta at sumasayaw para sa promotion ng Annie Batungbakal, Bongga Ka Day, the musical.
Bukod sa panlalait sa diumano’y matigas nitong pangangatawan sa pagsasayaw, nilait din ng mga basher ang paraan nito ng pag-awit.
“Hindi talaga siya bagay maging Annie Batungbakal. Napakalayo niya sa ginawang portrayal sa movie version ni National Artist at Superstar Nora Aunor. Sana man lang ay hindi nila minadaling ibigay ang role kay Atasha,” komento ng mga kaswal sa socmed.

Dagdag naman ng ilan pa, “well she can carry a tune for sure. Pero yung boses niya ay hindi pang-musical. Pakyut lang sa mga promo ang awrahan. Awkward pa siyang panoorin na habang kumakanta at sumasayaw.”
Ngayong September pa magsisimula ang pagtatanghal ng iconic story ni Annie Batungbakal sa stage. Sa kilalang Newport Performing Arts Theater ito gagawin at tatakbo ng halos isang buwan.
Balita ding may mga planong dalhin ito sa ibang lugar, partikular sa mga bansang kilala ang mga kanta ng bandang Hotdog na siyang magiging laman ng buong show.
Ilan nga dito ang mga pamosong titles gaya ng Bongga Ka Day, Pers Lab, Beh Buti Nga, Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko, Manila and many more.
“Part ng promo ang mga negative comments like such. Ang importante ay hindi ito masyadong pinapansin ni Atasha o ibang cast members. Mas focus sila to proving their mettle and worth as stage artists. Husgahan na lang nila kapag napanood na nila ang musical come Sept.,” bahagi ng depensa ni direk Vince Lim, ang musical director ng show.
Sinang-ayunan naman ito ni direk Chris Millado, ang magiging direktor ng musical na nagsabi pang normal at natural sa mga stage plays ngayon ang makatanggap ng mga bashing at paninira.
Sey pa nito, “kahit sino pa siguro ang mga bumida diyan, meron at merong sasabihin ang mga negatrons. The most important thing is we have a good show, a good narrative and cast members who are dedicated to showcase their best.”
Bukod kay Atasha, kasama din sa musical sina Sam Concepcion, Jeff Moses, at Anthony Rosaldo as Romer (alternating), KD Estrada as Burn, Jackie Lou Blanco at Ring Antonio (Aurora Pasion), John Lapus at Dindo Divinagracia (Tarurit), Air Paz-Pablico (Suzy Batungbakal), Yani Lopez at Andrea Babierra (Iste Batungbakal), Gerhard Krysstopher (Toots), at Akie Cedilla (Amor)
Sa kaugnay na balita, tiyak din daw na maraming mga bashing ang tatanggapin ni Atasha dahil lumabas na ang balitang naibenta na ni Sir Gabby Lopez ang 25.7% share nito kay San Miguel Corporation top honcho Sir Ramon S. Ang.
At this early nga ay marami na agad ang nagsasabing very soon sa posibleng pagtake-over ng San Miguel Corporation sa mga kumpanyang nabili nito sa Lopez family ay malamang na maging-reyna si Atasha bilang ito lang naman ang mahal na mahal na girlfriend ngayon ng anak ni Sir Ramon Ang, ang sinasabing tagapagmana ng mga kumpanya at negosyo nito.
“That’s Annie Batungbakal to you folks,” kantiyaw pa ng mga supporters ni Atasha.


