Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

VP Sara impeachment trial suspended dahil sa ulan; Senado naka-WFH

Ipinagpaliban ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, August 10, dahil sa tuloy-tuloy na malakas na ulang dala ng Habagat.

Kasabay nito, nagpatupad ang Senado ng work-from-home arrangement para sa lahat ng opisyal at empleyado nito.

“The Senate will be under WFH setup today. No trial and session today as well,” pahayag ni Senate President Sherwin Gatchalian.

Ayon sa advisory ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., parehong kinansela ang impeachment trial at plenary session ngayong Lunes.

Nakatakdang ipagpatuloy ang paglilitis at session sa Martes, August 11.

Ang desisyon ay kasunod ng paglalabas ng Malacañang ng Memorandum Circular No. 123, na nag-aatas sa government offices sa National Capital Region (NCR) at 15 lalawigan na magpatupad ng work-from-home arrangement dahil sa patuloy na malakas na ulan.

Sinuspinde rin sa mga apektadong lugar ang face-to-face classes sa lahat ng antas. Inatasan ang mga pampubliko at pribadong paaralan na lumipat sa online classes o iba pang alternative learning modes.

Patuloy namang mag-o-operate ang mga tanggapan at ahensiyang naghahatid ng basic at health services, disaster response at iba pang vital services. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles