Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gasolina, diesel magro-rollback matapos 5 linggong taas-presyo

Makakahinga nang bahagya ang mga motorista dahil inaasahang bababa ang presyo ng gasolina at diesel sa unang linggo ng Agosto matapos ang limang sunod na linggong taas-presyo.

Batay sa kumpletong limang araw na bentahan sa pandaigdigang merkado, posibleng bumaba ng P1 hanggang P1.30 kada litro ang gasolina at P0.20 hanggang P0.50 kada litro ang diesel, ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas.

Mas maliit ito sa naunang tantiya batay sa unang apat na araw ng bentahan na P1 hanggang P1.50 rollback sa gasolina at P0.50 hanggang P1 sa diesel. Wala pang inilabas na pagtaya para sa kerosene.

“Gasoline prices weakened week on week as exports from China limited the impact of reduced flows from the Middle East and regional inventories marginally rose,” ani Bellas.

Gayunman, nalimitahan ang pagbaba dahil sa mahigpit na suplay sa rehiyon, malakas na pangangailangan ngayong tag-init at kawalan ng katiyakan sa tuloy-tuloy na suplay mula China.

Bahagya ring lumuwag ang presyo ng diesel at iba pang middle distillates dahil sa mga produktong iniluluwas ng China at India. Nanatili naman ang banta sa suplay bunsod ng pagkaantala ng operasyon ng mga refinery sa Middle East at problema sa imprastraktura ng Russia.

“However, persistent supply concerns due to refinery disruptions in the Middle East and continued strain on Russian refining infrastructure have tightened immediate product availability, putting a firm floor under prices,” ani Bellas.

Maliit lamang na bahagi ng limang linggong pagtaas ang mababawi ng inaasahang rollback. Sa panahong ito, kabuuang P13.30 kada litro ang itinaas ng gasolina, P26.64 ang diesel at P21.07 ang kerosene.

Batay sa datos ng Department of Energy, umabot noong Hulyo 21 hanggang 27 sa P70.30 kada litro ang karaniwang presyo ng RON 91 gasoline sa Metro Manila, P88.40 ang diesel at P117 ang kerosene.

Bago maramdaman sa lokal na presyo ang epekto ng digmaan sa Middle East, nasa P53 kada litro lamang ang RON 91 gasoline noong Pebrero 24 hanggang Marso 2. Nasa P60.79 naman ang diesel at P84.67 ang kerosene. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles