Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BDO Pay, inalis ang bayad sa digital transactions

Wala nang dagdag na bayad sa pagpapadala ng pera at iba pang digital transaction gamit ang BDO Pay app ng BDO Unibank.

Maaaring magpadala ang mga user nang libre sa anumang BDO account, ibang bangko o e-wallet sa pamamagitan ng InstaPay at PesoNet.

Wala ring fee ang pagbabayad sa mahigit 2,200 biller, pagbili ng mobile load at pag-scan ng QR code para sa mga transaksiyon sa tindahan.

Saklaw din ng zero-fee service ang QR-based ATM cash withdrawals at deposits.

Hindi tulad ng maraming digital wallet na kailangang lagyan muna ng pondo o i-“cash in,” direktang nakakonekta ang BDO Pay sa kasalukuyang BDO deposit account o credit card ng user.

Dahil dito, agad na kinukuha ang bayad mula sa napiling source account nang hindi na kailangang manu-manong maglipat ng pera sa app.

Maaari ring gamitin ang BDO Pay bilang iisang platform para kumita, makita at i-redeem ang rewards points at discount deals.

Nagpakilala rin ang bangko ng referral campaign upang mahikayat ang mas maraming customer na gumamit ng app.

Mula July 1 hanggang September 30, 2026, maaaring ibahagi ng kasalukuyang user ang kanyang in-app referral code sa pamilya at mga kaibigan.

Kapag nagrehistro ang bagong user gamit ang code, makatatanggap ang nag-refer ng P100 cash credits. Bibigyan naman ng P50 cash credits ang bagong user.

Makikita ang natatanging referral code sa menu ng app sa ilalim ng “Refer a Friend” section. Maaari itong direktang ibahagi gamit ang karaniwang messaging applications.

Available ang BDO Pay sa Apple App Store, Google Play Store at Huawei AppGallery. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles