Simula nang umere sa Netflix at agad na umarangkada sa TV ratings game ang SOMEONE, SOMEDAY nina Kathryn Bernardo at James Reid, agad namang nag ti-trending ang SIARGAO nina Alden Richards at Nadine Lustre.
Halos magkasunod ang kanilang mga promo gimmick, mga interviews at guesting ng mga pangunahing bida para ikampanya nila ang mga respective series nila.
Dahil mas malawak ang reach ng ABS-CBN st ibang platforms nito including abroad subscriptions, tila mas nakaungos sa ingay ang serye nina Kath at James.

Ang Someone, Someday ang kauna- unahang series na nagsama sina Kath at James.
Batay sa mga early reviews, may magandang chemistry ang dalawa lalo’t mas nakitaan na daw ngayon ng husay sa pag-arte si James.
” In fairness, okey din tandem nila. May kilig at hindi pilit. Bagay din sila kahit alam ng lahat na may mga jowa sila totoong buhay,” sey ng mga netizen.
Bukod kina Kath at James, kasama din nila sa series si Maja Salvador matapos ang mahaba haba ding panahon na wala itong pinagbidahang serye.
Samantala, viral naman ang mga eksenang tila si Nadine ang humahabol sa malungkot na karakter ni Alden sa SIARGAO.
Bukod sa bagong tambalan nina Alden at Nadine, ang mismong lugar na SIARGAO ang bentahe ng series na kinatatampukan din nina Vince Maristela, Gab Lagman at ang mga Koreanong sina Kim Ji Soo at Choi Bo min kasama pa si Kyline Alcantara.
Sey ng netizen, “malakas din sng chemistry nina Tisoy ( Alddn) at morenang si Nads. Kapwa sila may record bilsng mga Best Actor at Actress kaya’t napaka natural nila. Masarap silang panoorin.”
ABS-CBN versus GMA 7 pa rin ang labanan ng mga series nila plus their respective other socmed platforms.
Kung nasa NETFLIX ang Someone Someday, nasa VIU naman ang Siargao, so make your choice.


