Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Giant Pandas, Dyip tangkang umahon sa Group A

Alinman sa guest team na Macau o Terrafirma ang makakapagtala ng ikalawang sunod na panalo ay lalong magpapalakas sa kanilang kampanya sa PBA Season Governors’ Cup ngayong Miyerkules.

Maghaharap sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila ang dalawang koponan simula 5:30 p.m.

Mataas ang kumpyansa ng Giant Pandas matapos ang 132-126 na panalo kontra Titan Ultra Giant Risers noong Sabado. Iyon ang una nilang panalo matapos ang apat na sunod na pagkatalo.

Gayundin din ang Dyip, na nakawala sa tatlong sunod na pagkatalo matapos ang 111-106 overtime win laban sa defending champions na TNT Tropang 5G noon ding Sabado upang umangat sa 2-3 kartada sa Group A.

“We got Terrafirma next so we’ll study their game tonight and we’ll prepare for them next,” ani Macau coach Marcus Elliott matapos ang laban kontra Titan. “Hopefully, we can string together the next two to three games and win a majority of those.”

Ang Terrafirma ay nagpakita ng kahanga-hangang composure laban sa TNT matapos matalo sa NLEX, Converge at San Miguel Beer nang hindi hihigit sa limang puntos ang agwat.

Mistulang magpapatuloy pa sana ang ganitong kuwento nang mabura ang kanilang 18 puntos na lamang at humabol mula 98-104 sa huling 2:28 sa overtime.

Salamat kina Juami Tiongson, Joseph Eriobu, Maverick Ahanmisi at JM Bravo, nakalusot ang Dyip.

“Siguro kulang ang effort nu’ng last three games kasi, sabi ko nga, parang hinihintay pa ng team na matambakan bago makahabol,” ani Terrafirma coach Ronald Tubid.

“Every day in practice sinasabi namin na kaya naman natin, eh. As long as we always play our A-game .. isipin lang ng players na kaya naman, kapag we keep on competing may chance kaming manalo.”

Sa second game simula 7:30 p.m., magsasagupa ang SMB at Titan Ultra.

Nangunguna ang NLEX sa Group A na may malinis na 4-0 kartada, kasunod ang San Miguel at Converge na parehong may 3-1.

Samantala, magkasalo ang Titan Ultra at Macau sa 1-4.

Hindi maaaring hayaan ng San Miguel ang Titan Ultra na laruin ang estilong tumakbo at full court press.

Taglay ng San Miguel ang sistema at karanasan ng isang kampeon. Tapang naman ang ipinagmamalaki ng Titan.

Samantala, sa unang laro nitong Martes, bumawi ang Phoenix nang talunin ang Blackwater, 102-93, upang manatiling leader ng Group B sa kartada 4-1.

Galing ang Fuel Masters sa talo kontra Rain Or Shine Elasto Painters, 98-105, noong Hulyo 21.

Laglag naman ang Bossing sa 2-3 matapos ang ikatlong sunod na pagkatalo.

The scores:

First Game

PHOENIX 102 – Perkins 25, Johnson 23, Mamuyac 18, Rivero 10, Tio 8, Escandor 6, Tuffin 6, Ballungay 2, Delos Santos 2, Chua 2, Santos 0, Cullar 0.

BLACKWATER 93 – Barkley 36, Ilagan 20, Barefield 10, Austria 8, Panopio 7, Tratter 4, Una 4, Mallilin 2, Mendoza 2, Murrell 0.

Quarters: 20-22; 54-53; 78-72; 102-93

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles