Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PAL, sinalubong ang ikatlong Airbus A350-1000

Dumating na sa bansa ang ikatlong Airbus A350-1000 ng Philippine Airlines (PAL), kasabay ng patuloy na modernisasyon ng fleet at pagpapalawak ng long-haul operations ng kompanya.

Ang eroplanong may registration number na RP-C3512 ay lumipad mula sa Airbus delivery center sa Toulouse, France, patungong Maynila.

Isasalang ito sa commercial service matapos makumpleto ang mga kinakailangang regulatory at operational preparation.

Itinuturing na flagship aircraft ng PAL para sa long-haul flights ang A350-1000. Tampok dito ang pinakabagong Business, Premium Economy at Economy Class cabins ng airline.

Mas matipid din ito sa fuel, mas mababa ang carbon emissions at mas malaki ang cargo capacity kumpara sa mga naunang henerasyon ng aircraft.

Ang PAL ang una at nananatiling tanging airline sa Southeast Asia na nagpapatakbo ng Airbus A350-1000.

Nakatakdang gawin ng bagong aircraft ang unang biyahe nito sa Manila–San Francisco route sa Agosto 5, 2026.

Sa simula, gagamitin ito sa mga flight tuwing Martes, Biyernes at Linggo. Gagawin namang araw-araw ang serbisyo pagsapit ng Setyembre upang mas maraming pasahero ang makaranas ng pinakabagong premium long-haul travel service ng PAL.

Ang RP-C3512 ang ikatlo sa siyam na Airbus A350-1000 na in-order ng PAL noong 2023.

Noong nakaraang linggo sa Farnborough International Airshow, nag-anunsiyo rin ang airline ng order para sa siyam pang Airbus A350-1000 at 15 Boeing 787-10 Dreamliner.

May option din ang PAL na kumuha ng karagdagang tig-limang aircraft mula sa dalawang modelo.

Bahagi ang mga bagong order ng pangmatagalang plano ng PAL na gawing moderno ang fleet nito at palakasin ang international network ng airline. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles