Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ex-LandBank manager: P37.5-M cash withdrawals ng DepEd, ‘unusual’

Tinawag ng dating Land Bank of the Philippines (LandBank) manager na hindi pangkaraniwan at halos apat na beses na mas malaki sa karaniwang cash transaction ng Department of Education (DepEd) ang bawat isa sa tatlong P37.5 milyong encashment nito noong 2023.

Sa pagtatanong ni Senator-judge Francis “Kiko” Pangilinan nitong Miyerkules, inihayag ni Nenita Camposano na karaniwang nasa P10 milyon lamang ang cash transaction ng DepEd sa sangay.

“Unusual po ang amount ng pag-withdraw?” tanong ni Pangilinan.

“With Landbank DepEd for government agencies, ano siya unusual po ang amount ng pag-withdraw,” tugon ni Camposano.

Nakapangalan kay DepEd Special Disbursing Officer Edward D. Fajarda ang tatlong tseke na nagkakahalaga ng P37.5 milyon bawat isa o kabuuang P112.5 milyon.

May petsang Pebrero 20, Abril 19 at Hulyo 11, 2023 ang mga tseke. Ini-encash naman ni Fajarda ang mga ito noong Pebrero 22, Abril 26 at Hulyo 13.

“Okay, so yung P37 million is almost four times more than the usual?” tanong ni Pangilinan.

“Yes, sir,” sagot ni Camposano.

“For DepEd parang nag-re-range lang ng mga nasa, I’m not sure masyado, sorry pero parang mga P10 M, mga nasa ganoong lamang,” dagdag niya.

Tinanong din ni Pangilinan kung ito ang unang pagkakataon sa 34 taong serbisyo ni Camposano sa LandBank na nakahawak siya ng tatlong P37 milyong cash transaction sa loob ng tatlong quarter.

Nang linawin na ang tinutukoy ay mga transaksiyon ng DepEd, tugon ni Camposano: “No, sir. Parang ngayon lang po ‘yung time na may encashment na ganun kalaki.”

“Yes, Your Honor,” sagot niya nang tanungin kung ito ang una niyang karanasan sa ganitong kalaking cash transaction sa DepEd branch.

Nilinaw naman ni Camposano na nakaranas na siya ng malalaking cash transaction mula sa ibang ahensiya ng gobyerno habang namamahala sa ibang LandBank branches. Hindi niya pinangalanan ang mga ito dahil sa posibleng paglabag sa bank secrecy.

Binigyang-diin ni Pangilinan na bagama’t may ganitong kalaking transaksiyon sa ibang sangay, ngayon lamang ito nangyari sa DepEd branch.

“Yes, sir,” pagkumpirma ni Camposano. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles