Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Matteo Guidicelli, ayaw umeksena sa moment nina Sarah at mommy Divine

Isang mapagkakatiwalaang source ng BISTADO ang nagkuwento na nag-uusap na din pala sina Matteo Guidicelli at mommy Divine.

Simula daw noong mabuksan uli ang komunikasyon ng pamilya ni Sarah sa mag-asawa, may mga simpleng “hi’s-hello’s” ng nangyayari kina Matteo at mommy Divine.

Marami kasi ang nagtatanong kung bakit sa gitna ng reconciliation ni Sarah sa kanyang equally controversial mother ay wala daw naririnig ang mga tao mula kay Matteo.

birthday gift ni Matteo kay Sarah, trip abroad soon… kuha sa FB

Tsika ng BISTADO source, ” they are ok. Hindi pa lang talaga matatawag na super chummy o chika sila which is understandable dahil between Sarah and her mom naman ang usapin kahit sabihin pa nating big reason or part ng rift ng mag-ina si Matteo.”

Ayon pa sa same source, hindi lang daw talaga umeepal mangialam ni Matteo dahil nirerespeto nito ang asawa at biyenan. 

“Matagal ng may open communication si daddy Delfin kay Matteo. Pati sa mga kapatid ni Sarah at close family members nila. Yun nga lang, may sariling isyu si Matteo sa biyenang babae na siya lang siyempre ang makalulutas, pero hindi naman totoo yung tsismis na isinusumpa ito ni mommy Divine,” dagdag pang kuwento.

Kaya naman naging isang malaking relief sa magkabilang panig ang mas nabuksang pinto ngayon kina Sarah at nanay niya just very recently.

Hindi lang daw talaga umeepal o gumagawa ng eksena si Matteo dahil gusto nitong magkaroon ng normal at natural na proseso ang rekonsilyason ng mag-ina.

Samantala, hindi ni reveal sa BISTADO ang naging birthday gift ni Matteo kay Sarah ng magdiwang ito ng kanyang ika-38th birthday last July 25.

“Ang narinig naming regalo ay parang bakasyon abroad. Baka din ituloy nila yung planong mag-aral ng short course si Sarah sa abroad lalo’t maugong ang tsismis na buntis na ito,” ang nakakaintrigang sagot ng BISTADO source.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles